Nutrisyon para sa lifestyle enhancement

ANG larawan ng malnutrisyon ay madalas na naipapakita lamang sa kakulangan sa pagkain lalo na’t kung nakikita ay katawan na buto’t balat.

Dapat malaman ng lahat na ang pagkain ng sobra ay magdudulot ng overnutrition na isa ring uri ng malnutrisyon o kulang sa macronutrients at micronutrients.

Ang pagkain ay kailangan para sa sapat na nutrisyon subalit mayroon ding nakukuhang kasayahan dito, marahil upang hindi makalimutan ang kumain. Samakatwid ang pagkain ay makakapagpagaling at maaari ring maging sanhi ng sakit, depende sa kung paano ito ginagamit. Ang pagkain ba ay para sa nutrisyon o para masiyahan?

“Let food be thy medicine and medicine be thy food,” ang sabi ni Hippocrates, isang syentipikong Greco na siyang hinirang na

“Father of Modern Medicine.” Kaya hindi na bago ang kaalaman na ito.

Maging ang Bibliya ay hindi nagkulang sa mensahe nito tungkol sa kahalagahan ng pagpili sa pagkain para sa maayos na kalusugan. There is a very thin line between food as medicine and food as poison.

Tanungin natin sa ating mga lola kung ano ang mga pagkain na masustansiya.

Bakit si lola at hindi ang kakilala natin na Nutritionist ang tanungin.

Simple lang dahil si lola ay tumanda na pero malusog pa rin.

Ito ay bunga ng malusog na karanasan sa paghahanda at pagluto ng pagkain, bukod sa siya pa ang namamalengke o pumipili ng kanyang mga lulutuin. Ano ang mga sasabihin ni lola?

Saan ba talaga nanggagaling ang masustansiya na pagkain?

Narito ang ilang guidelines:

1. Ang mga pagkain na nanggaling sa mga tanim at halaman (plant source) ay mas masustansya kaysa galing sa karne (Animal Source).

2. Ang Vegetables ay natural na masustansya, hindi lamang ang mga berde (greens) kundi pati iba’t ibang kulay. Maraming vitamins and minerals ito maliban sa fibers na kasama nito.

3. Huwag kalimutan na may mga halaman na gulay na hango sa dagat.

4. Ang vegetables na likas na matamis gaya ng mais, carrots, kamote, ube, sibuyas at kalabasa ang dapat na panggalingan ng tamis sa pagkain para maibsan ang “sweet cravings.” Iwasan ang “processed foods” na punong-puno ng asukal gaya ng mga “desserts.”

5. Ang prutas ay masarap nakakabusog dahil sa fibers, vitamins at antioxidants. Hindi maganda ang “juicing” dahil naaalis ang ibang fibers.

6. Ang karne na galing sa tubig o dagat o seafoods ay mas masustansya kaysa hango sa lupa gaya ng beef, pork, chicken, etc.

7. Ang carbohydrate ay dapat galing sa “whole grains” gaya ng whole wheat, brown rice, beans, fruits at vegetables, unhealthy carbs ang white flour, refined sugar at white rice, at lahat ng niluto galing dito.

Abangan sa Biyernes ang walo pang guidelines ng masusustansiyang pagkain.

Inaaanyayahan ko kayong sumali sa ating kapisanan, ang BARANGAY KALUSUGAN, ang ating magiging ugnayan tungo sa pagpapaunlad n g ating kalusugan. Maari kayong mag-text ang inyong mga tanong, o mga gawain para sa healthy living sa 09999858606 o 09277613906.

Sundan sa Facebook at Twitter: barangay.kalusugan@yahoo.com.

Read more...