AKO po si Edna Delos Reyes, 41 years old. Ako po ay isang PWD.
Nais ko po sanang itanong sa ECC kung mayroon po bang supporta o ano pa mang benepisyo ang maaari kong matanggap? Sa ngayon ay nagwo-work ako bilang accounting staff dito sa Sta. Mesa, Maynila.
Karamihan sa amin ay mga PWD din. Sa kabila ng kapansanan namin ay tinanggap pa rin kami bilang mga empleyado kaya’t lubos po kaming nagpapasamat sa aming employer.
Bagaman kami ay nagwo-work, marami pa rin kaming pangangailangan na dapat naming masustentuhan lalo na sa aming kapansanan.
Anu-ano po kayang suporta o benepisyo ang maaari naming matanggap at paano po ito ipo-process?
Saan po kami maaaring pumunta at makipag-ugnayan? Umaasa po kami sa inyong tulong at pang-unawa sa aming katanungan.
Maraming
salamat po.
Edna
REPLY: Dear Edna,
Ang Employees’ Compensation Program (ECP) ay nagbibigay ng benepisyo kung ang manggagawa ay nagkasakit o naaksidente ng dahil sa trabaho kaya hindi lahat ng mga PWDs ay pwedeng mabigyan ng EC benefits.
Ang pwedeng bigyan ng benepisyo sa ilalim ng EC Program ay ang mga persons with work-related disability o PWrDs. Ang mga manggagawang nagkasakit o naaksidente ng dahil sa trabaho ay kinakailangang mag file ng EC claim sa SSS kung sila ay taga-pribadong sektor o sa GSIS kung sila ay nagtatrabaho sa gobyerno.
Ang mga EC forms po ay available sa ECC website na www.ecc.gov.ph. Nakalagay na rin po ang mga requirements doon.
Sana po ay nabigyan namin ng kasagutan ang inyong katanungan.
Maraming
salamat po.
Information and Public Assistance
Division
Employees’ Compensation Commission
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapag- lingkuran sa abot ng aming makakaya.
Kaya naman huwag kayong mag-atubiling sumulat sa Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City.
Maaari rin kayong mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@gmail.com Serbisyo publiko sa AKSYON LINE. Kakampi mo! Maaasahan!