MERON talagang mga walang magawa sa social media kaya naman naiisip nilang “pumatay” ng celebrity. The latest victim is Marian Something.
Talagang in-announce ng bobong admin ng isang Facebook fan page account na patay na ang Kapuso actress. Pagsisimula ng walang magawang nilalang na ito, “Taos puso po kaming nakikiramay kay Marian Rivera.
“Kaninang ala 1 ng madaling araw po ay sumalpok ang sinasakyang Van papuntang Ilocos Norte npara sa taping ng pinagbibidahang teleserye ng actress ay dinala sa pinakamalapit na Ospital subalit binawian din ng buhay.
“Sa amin dito sa We Hate GMA 7 nakikiramay po kami sa mga naiwan ni marian at sa patay din niyang teleserye.”
‘Yan ang entry ng nasabing website na talaga namang ubod ng bobo.
Nabiktima rin kami ng ganyang katarantaduhan sa Facebook kaya naman nakikisimpatya kami kay Marian. Dapat kuyugin ng kanyang followers ang fan page account na ito.
Ang nakakaloka pa, talagang merong pang photo ni Marian na nasa kabaong ang short article. Kung hindi ba naman hunghang ang operator nito ay hindi na namin alam kung ano ang perfect description sa kanya.
Siyempre pa, maraming Marianitas ang galit na galit sa ginawa sa kanilang idol. Who wouldn’t when the fan site operator intentionally destroyed Marian, ‘di ba?
“Mamatay na ung naninira kay marian mga ulol sila,” walang kagatol-gatol na say ng isang maka-Marian. “Bakit si Marian ang pinagtripan niyo? kasi ba walang ng mas gaganda pa sa kanya sa ABS-CBN o baka puro pangit yung tanganilya at ang mga kapuso mga gwapo at magaganda?” say naman ng isa pa.
( Photo credit to Google )