Kim Chiu na-shock nang malamang magiging ka-loveteam si Coco

HINDI halos makapagsalita si Kim Chiu nang malaman niyang si Coco Martin ang makakasama niya sa bago niyang teleserye na may titulong Ikaw Lamang dahil isa rin sa pangarap niyang makatrabaho ang nag-iisang King of Teleserye.

Maging si Coco ay nagulat din nang malaman niyang si Kim ang makakasama niya kaya naman abut-abot ang pasalamat niya sa Dreamscape Entertainment dahil binigyan siya ng tsansa na maka-trabaho ang Prinsesa ng Primetime.

Samantala, noon pa pala ito pinlano ng ABS-CBN management na pagsamahin sina Coco at Kim at hindi lang matuluy-tuloy dahil nga pareho silang busy sa kanilang mga project at nu’ng pumuwede na ay biglang nagkapelikula naman ang aktres, ang “Bride For Rent” kaya isinantabi muna ito.

At ngayong parehong libre na sina Coco at Kim ay hindi na nagpatumpik-tumpik pa ang Dreamscape at kaagad ng sinabing nakakasa na ang period seryeng Ikaw Lamang mula sa direskyon ni Malu Sevilla.

Base sa pagtatanong namin ay anak mayaman si Kim at ang mga magulang niya ay may-ari ng pinakamalaking tubuhan sa Negros at isa si Coco sa trabahador nila kasama ang magulang nito.

Anyway, iisa ang tanong ng lahat, bagay daw ba sina Coco at Kim bilang love team, ang sagot namin sa nagtanong, “Dreamscape Entertainment can move mountains.”

Sinong mag-aakalang bagay pala sina Coco at Julia Montes na kung tutuusin ay malaki ang agwat ng edad ng aktor sa dalaga?  Heto nga at nagkagustuhan pa di ba?  Hindi lang namin alam kung bakit hindi sila nagtagal.

At heto, na-in love rin si Angeline Quinto kay Coco na hindi namin mawari kung naging sila kasi base sa tsikang narinig namin ay sobrang nagselos ang dalagang singer kay Julia, tama ba Coco?

Kaya hintayin natin kung ano ring mangyayari kina Coco at Kim pag nagsu-shoot na sila ng Ikaw Lamang.Knowing Coco alam niya ang kiliti ng babae kaya ang tanong, handa na ba si Kim magka-boyfriend?

Kasi alam namin kung gaano katinik si Coco sa babae.

( Photo credit to Google )

Read more...