Pasabog ni Deniece: Vhong meron pang ibang babaeng minolestiya


NAPANOOD namin ang interview kay Deniece Cornejo and based on what she said, e, mukha namang may sense ang mga sinasabi niya. Oopps, don’t get us wrong, ha. Hindi kami nagti-take side at ‘di namin sinasabi na true ang mga sinasabi niya.

First of all, ‘di namin kilala si Deniece. Pangalawa, may ipinakita siyang ebidensya na si Vhong Navarro ang nag-suggest na sa bahay na ni Deniece sila magkita.

Nu’ng una kasi, sabi ni Vhong ‘yung girl ang nag-invite sa kanya na magkita sila sa condo unit nito. Of course, what impression will give us kundi may motibo talaga si Deniece na “tuksuhin” ang komedyante.

At kung true rin ang sinasabi ni Deniece na may iba pang babae ang namolestiya diumano ni Vhong in the past, e, madidiin talaga ang host ng It’s Showtime.

Sabi nga ng girl sa kanyang TV interview about this, “Nalaman ko lang po sa mga kaibigan ko na may history din po. “Nag-text din po sa akin yung mga random people na nagpapasalamat po sa akin dahil mga minanyak din po, minolestiya, yun po, ni ano, ni Vhong,” sey nito.

Pero kung nagsasabi naman ng totoo si Vhong, sigurdong meron din  siyang matinding ebidensya na magpapasinungaling sa mga akusasyon sa kanya ni Deniece.

Hay, naku, pang-ilang beses na ba ang kasong ito na may nasangkot na komedyante sa kasong rape. Nakaka-deceive rin kasi ang charm ng mga komedyante sa babae, e.

Mukha silang mabait at harmless gaya ng yumaong Comedy King na si Dolphy. Although, in fairness kay Mang Dolphy sobrang nila-love talaga siya ng mga nakarelasyon niya at wala namang bahid na tsismis na nang-rape siya o namilit ng babae, huh!

Samantala, itutuloy na raw ni Deniece ang pagsasampa ng kaso laban kay Vhong contrary sa plano niya nu’ng una na mananahimik na lang.

Sey ng girl, siya ang tunay na biktima rito kaya tatapusin niya ang sinimulan ni Vhong. Sagot naman ng kampo ng comedian, “Do it. Just do it!”

At teka, bakit ni isang manghuhula ay ‘di nahulaan ang pangyayaring ‘to kay Vhong para at least nawarningan naman siya?

( Photo credit to E Santiago )

Read more...