Nagpa-interview sina Deniece Cornejo at Cedric Lee sa GMA. Kapag sinusuwerte ka nga naman, pababa kami mula sa advanced screening ng Carmela sa GMA compound, naabutan namin si Kara David na pabalik sa newsroom sa ground floor at katatapos niya pa lang ma-interview sina Deniece and Cedric for 24 Oras na pinalabas that Monday night too.
For the record, papunta rin sina Deniece and Cedric sa ABS that day too to air their side, nauna lang sila sa GMA. Punto por punto raw sinagot ng dalawa ang bawa’t akusasyon ni Vhong Navarro sa kanila that really shocked us habang kinukuwento ni Kara ang ilang detalye.
For one, dahil on record naman ito at may sound byte, sinabi diumano ni Deniece that Vhong has sex pills in his pocket. What has this got to do with the issue? Gustong i-point out ni Deniece na siya ang biktima rito at siya raw ang pinagtangkaan.
Hindi raw umiyak si Deniece all throughout the interview dahil sabi niya nga kay Kara, hindi niya raw kailangang magpaawa tulad ni Vhong.
By the way, she is not connected with the big bosses of GMA, apo siya ni Bong Cornejo na dating asawa ni Ms. Mel Tiangco.
Sa kuwento ni Cedric, humingi ng tulong sa kanila si Deniece via Cedric sister na tinawagan ng girl kaya dumiretso sila sa condo.
Naabutan na raw nila si Vhong na nakahubad na ang pants. Mali rin daw ang kuwento ni Vhong na he was being extorted dahil ito ang nagsabing magbabayad na lang ng P1 million for damages done sa condo unit nang nagkabugbugan kapalit ng pananahimik ng lahat at pag-drop ng kaso which they agreed kaya sila ang nagulat ng inilabas pa rin ang balita.
Ang sabi naman ni Cedric, kung magi-extort daw siya, bakit si Vhong pa.