Kylie namana kay Binoe ang pagbuka-bukaka


PASADO si Kylie Padilla na maging Angelina Jolie ng Pilipinas kung ang pag-uusapan ay ang galing nito pagdating sa pag-aaksiyon sa TV at pelikula.

Hindi lang kasi magaling sa drama ang dalaga, maaasahan din siya sa mga maaaksiyong eksena. Sa pelikula ng Star Cinema at RCP Productions na “Sa Ngalan Ng Ama, Ina, At Mga Anak”, umaasa si Kylie na mapapansin na ng publiko ang kanyang passion pagdating sa action genre. Siyempre, gusto niyang sundan ang yapak ng kanyang amang si Robin Padilla na siya ngang bida sa nasabing pelikula.

“Actually, gusto ko rin talaga e aksiyon. Noong sinabi kong mag-aartista ako, ang nasa isip ko parang Angelina Jolie, ganun. Hinihintay ko na lang na bigyan ako. Isa na itong pelikulang ito.

Kasi puro drama yung ginagawa ko, e. “Actually, I want people’s eyes to open na puwede palang mag-action si Kylie at magaling siya. Hindi yung sinasabi lang na gusto ko lang mag-aksiyon, di ba?” paliwanag ng girlfriend ni Aljur Abrenica.

Para kay Kylie, ang pelikulang ito na pinagbibidahan nga ng angkan ng Padilla, sa pangunguna ng kanyang ama, ang magiging daan para mai-launch na siya as action star.

“Sana nga, e. Ipinagdarasal ko talaga. Gusto kong magbukas yung mga pinto na iyan para sa akin,” aniya. Makakasama rin sa “Sa Ngalan Ng Ama, Ina, At Mga Anak” sina Mariel Rodriguez, Daniel Padilla, Rommel Padilla, Bela Padilla, Matt Padilla, RJ Padilla, Christopher de Leon, Dina Bonnevie, Karla Estrada, Pen Medina, Lito Pimentel, Dennis Padilla, Aljur Abrenica at Bugoy Cariño.

Kuwento pa ni Kylie, “Actually, bata pa lang kami e tini-train na kami ni Papa diyan (shooting). I think when I was 10 kasi nakikita na namin, e. Pati yung mga video games na nilalaro ni Papa noon puro barilan, so parang normal na yun.”

Kahit nga nu’ng presscon ng movie, napansin ng press ang pagbukaka ni Kylie habang nasa stage, pati raw ‘yun nakuha niya kay Binoe, “Nakakalimutan ko minsan, babae nga pala ako! Ha-hahaha!”

Speaking of Aljur, nilinaw ni Kylie na pinilit niya si Binoe na isali si Aljur sa kanilang movie, nag-suggest lang naman daw siya, “Siyempre nauna yung production.

But nababanggit ko na sa kanya na may movie at saka niligawan ko rin. Sabi ko, ‘Sige na, ikaw na yung leading man ko.’”
Dagdag pa ng dalaga, “Actually, nauna si Papa na sabihing si Aljur na lang.

Alam naman kasi niya (may relasyon na). So ‘yun po.”

( Photo credit to E Santiago )

Read more...