Aking teorya sa pagkabugbog kay Vhong

KUNG ang aktor at komedyante na si Vhong Navarro ay talagang nanggahasa, bakit hindi nagreklamo sa pulis ang diumano’y biktima?

Sumama nga si Deniece Millet Cornejo, 22 taong gulang, sa presinto ng pulisya pero di man lang siya nagreklamo.

Kung siya’y ginahasa ni Vhong, dapat sana ay nanggagalaiti si Cornejo sa pag-akusa sa actor-comedian.

Dinala si Vhong ng mga lalaking nambugbog sa kanya sa presinto, pero di man lang sila kinu westiyon ng mga pulis kung bakit bugbog-sarado ang hitsura ng aktor na komedyante.

Isa pang pagpapatunay na inutil ang ating kapulisan.

Kung totoo ang alegasyon ni Vhong na siya’y inimbitahan ng Deniece sa kanyang unit sa isang condominium sa Bonifacio Global City, walang rape na nangyari kundi consensual sex.

Nagkagustuhan silang magyarian dahil baka atat na atat yung babae sa artista.

Kung ikaw ay matinong babae, bakit mo yayayain ang isang lalaki sa iyong condominium kung saan ikaw ay nakatirang mag-isa?

Masyado namang naïve o inosente ang babae na yan at di niya alam na kapag nagyaya ang isang babae sa lalaki na puntahan siya sa sariling condo, hindi siya gagalawin ni lalaki?

Kung ang lalaki ay kanyang kamag-anak o inaakala niya na bading, may karapatan siyang magreklamo na siya’y ginahasa o ibig galawin ni lalaki.

Pero dalawang beses lang, kung paniniwalaan natin si Vhong, na nagkatagpo silang dalawa at niyaya na ni Deniece si Vhong sa kanyang condo.

Sinong machong Adan ang hindi naman hahablutin ang ganoong pagkakataon na ibinigay sa kanya ng mapang-akit na Eba?

 

Bilang isang beteranong police reporter na noon ay tumulong sa paglutas ng ilang kasong kriminal ng aking mga kaibigang imbestigador sa Western Police District (WPD), ito ang aking teorya.

Itong si Deniece ay “kept woman,” ‘ika nga, ng milyonaryong businessman na si Cedric Lee.

Baka hindi masyadong nagagampanan ni Lee ang kanyang tungkulin bilang boyfriend nitong si Deniece kaya’t naghanap ng batang kelot itong si babae.

Malamig ang panahon ngayon at kelangan ng human blanket.

Nang niyaya ni Deniece itong si Vhong, hindi alam ng babae na pinapostehan na siya ni Lee.

Maaaring masyadong seloso itong si Lee kaya’t umupa ng private security guards upang bantayan ang kanyang alaga.

Kaya’t nang pumunta ang walang kamalay-malay na si Vhong sa condo ni Deniece, tinawagan agad si Lee ng kanyang mga alipores.

Baka halos sumabog ang dibdib ni Lee sa selos kaya’t sugod agad siya sa unit ni Deniece na kanyang inuupahan o binili para sa kanyang querida.

Baka naabutan ni Lee at ng kanyang mga bodyguards ang dalawa na hubo’t hubad na at “ready to fire” o nagbabanatan na.

Bago pa man naisagawa ni Vhong ang kamunduhan kay Deniece—o baka nakaparada na ang kanyang kotse sa garahe, ika nga— ay saka pumasok si Lee sa condominium unit.

At dahil sa kanyang unit ang condominium, merong susi itong si Lee kaya’t madali siyang nakapasok.

Hampas at suntok ang ipinaulan ni Lee at ng kanyang mga alipores kay Vhong, kaya’t wasak ang mukha ng aktor.

Kaya’t walang magawa si babae kundi samahan si Lee sa pagdala kay Vhong sa police station at umayon na lang kung anong pinasasabi sa kanya ni Lee sa mga imbestigador.

Ang may kasalanan dito ay ang babae na kating-kati na siguro kaya’t naghanap.

 

Read more...