Korina: Type na type ni Mar pag kinikiliti ko siya!


Tawa kami nang tawa nang ibuking ng batikang broadcast journalist na si Korina Sanchez kung ano ang trip na trip ng kanyang asawang si DILG Sec. Mar Roxas na ginagawa niya.

“Gustong-gusto niya ang mga kilitian. Kunyari, gigisingin ko siya, lalagyan ko siya ng yelo sa noo, magigising siya, type na type niya ‘yung mga practical jokes na ganyan.

“O kaya, tulog siya tapos lalagyan ko siya ng earbuds sa ilong. Type na type niya ‘yan, I’m telling you,” natatawa ring kuwento ni ate Koring.

At maski raw nasabit ang pangalan ni Sec. Mar sa nakaraang Yolanda storm surge ay, “Hindi siya humihingi ng saklolo sa akin, hindi siya dumadaing sa akin. Ang galing niyang mag-compartmentalize.

I think it’s because sobra na ang stress ko sa trabaho ko so gusto niya, pagdating sa bahay, masaya lang. Kulitan lang kami,” masayang kuwento ng misis ni Mar.

Tungkol naman sa balitang pagtakbo ni Sec. Mar sa 2016 elections, “Ngayon, about his plans, I don’t ask him because parang gusto ko ring iwasan ‘yang usapang ‘yan. Parang I also don’t want to encourage it,” pag-amin pa ni ate Koring.

( Photo credit to Google )

Read more...