Vhong nabugbog, naiskandalo dahil daw sa sobrang kakatihan


NAPANOOD ko ang full interview ni Vhong Navarro sa Buzz Ng Bayan last Sunday at napaka-extensive ng ginawang interbyu sa kaniya ni Kuya Boy Abunda. Masaliksik at very explosive dahil pinangalanan ni Vhong ang mga involved sa walang-awang pambubugbog at pananakot sa kaniya.

He named the man behind the mauling incident – si Cedric Lee na ex-boyfriend ni kumareng Vina Morales. Kung bakit na-involve si Cedric sa gulong ito ay hindi namin alam. Gusto naming isiping may relasyon siya kay Deniece Cornejo na diumano’y karelasyon din ni Vhong aside from his long-time girlfriend who works for ABS-CBN.

Malinaw ang mga sinabi ni Vhong sa interbyu na nu’ng una raw ay sina Cedric lang and a companion ang bumugbog sa kaniya habang nakatali ang kanyang mga kamay at paa hanggang sa di-kalauna’y meron pang pumasok na ilan pang lalaki na halinhinang sumapak at nanadyak sa TV host-comedian.

Hindi pa raw nakuntento ang mga ito at kinunan pa nila si Vhong ng video showing his private part with matching admission on video na ni-rape nito si Deniece.

Looking Vhong’s mauled face onscreen broke our hearts. Grabe ang pinsala sa kaniya physically, lalo na ang trauma it had caused him. Kasi nga raw, merong banta sa kaniyang buhay, sa kaniyang mga anak at ilang malalapit na kamag-anak should he go to press and tells his story.

But obviously, since pinangalanan na ang mga suspek, for sure naman ay hindi na nila ito gagalawin dahil should something happen to Vhong and his kin ay madali na silang ma-identify.

Plus the fact na sinabi ni Vhong na kinikikilan daw siya ng mga ito – mula sa P200,000 ay umabot ito sa P2 million pero they supposed to have settled sa P1 million na alam nating hindi naman natuloy dahil naospital na nga si Vhong.

After ng bugbugan, ani Vhong ay dinala siya ng grupo sa isang police headquarters para isagawa ang blotter. Yes, inamin ni Vhong na pirma niya ang nasa blotter – na kaya siya pilit na pinaamin at pinapirma dala ng takot sa kaniyang buhay. Nakasaad diumano sa police blotter na iyon na hindi na itutuloy ni Deniece ang kaso laban kay Vhong.

Ang ipinagtataka lang namin ay kung bakit pumayag ang mga imbestigador sa mga utos sa kanila ng grupo ni Cedric. Sila ba ay kakuntsaba ng grupo at bakit hinayaan nilang makaalis sila sa presinto kasama ni Vhong gayong napaka-sensitive ng complaint  against him.

“Kahit sabihin pang hindi na itutuloy ni Denience ang kaso, dapat sana ay hindi pinakawalan si Vhong ng mga pulis for further investigation.

Bakit pa sila nagpa-blotter in the first place kung wala naman pala silang planong magsampa ng kaso? Kung ikinulong nila si Vhong, he could have at least gotten a chance to ask for legal assistance sa mga abogado niya while he was already at the custody of the police headquarters.

Doon pa lang mismo – sa araw na iyon ay nalaman na ang buong istorya at hindi na tumagal pa. They could have at least sought media’s assistance too dahil unang-una, malaking celebrity si Vhong.

Hindi ba naisip ng mga pulis iyon? Imposible namang wala silang koneksiyon kay Cedric dahil obviously that Cedric and his group called the shots that morning sa presinto. Nakita naman nilang wasak ang mukha ni Vhong, dapat ay nilaliman pa nila ang imbestigasyon.

Kaya hindi n’yo maiaalis na mag-isip kami na baka bayad ang mga pulis na iyon – imagine, instead of them leading the investigation, parang sila pa ang sumusunod kay Cedric, siya ba ang may-ari ng batas? Pag napatunayang may involvement sila rito, dapat silang kasuhan ng obstruction of justice.

Alam nating wala namang rape talagang naganap – basing on Vhong’s statement dahil in fairness to him, consistent naman siya sa mga sinabi niya. He almost died na nga sa mga kamay ng mga bumugbog sa kaniya, makukuha pa ba niyang gumawa-gawa ng kuwento.

Ang tanging kasalanan lang naman niya rito ay naging unfaithful siya sa present girlfriend niya at dala na siguro ng kakatihan kaya hayun, nasuong sa gulo.

It was a clear scene ng frame-up – from the guards ng condo unit na iyon sa The Fort hanggang sa pag-choreograph ng pagdating ng mga other maulers hanggang sa police headquarters, lahat ay orchestrated.

At para ma-orchestrate ang ganito, one must be so moneyed and powerful para mailagay ang batas sa mga kamay nila.
Aside from Vhong’s personal complaint against the culprits, mas mainam na imbestigahan talaga ang police headquarters na tumanggap ng blotter na ito.

Kailangang sagutin nila ang mga legal na katanungang ng bayan – bakit hindi nila hinold si Vhong sa istasyon who is being charged of rape or attempted rape because by detaining him, he is safest from the hands of the culprits.

What if tinuluyang patayin si Vhong after nilang pakawalan sa presinto? This is another case of crime of passion sa tingin namin. Masakit ito, physically and mentally.

Very traumatic indeed. Balita namin ay magsasagawa ng surgery ang mga duktor ni Vhong on him today dahil napakarami niyang fractures sa katawan.

Hindi natin dapat tigilan ang kasong ito hangga’t hindi nakakamit ni Vhong ang katarungan. Tama si Vhong, kung kayang gawin ng mga salarin ito sa isang katulad niya na maliban sa sikat na at merong koneksiyon, what more sa ordinaryong tao? Sige nga…

 

Read more...