Tuloy sa abroad

Sulat mula Anna Lisa, ng Kalamansig,
Sultan Kudarat
Dear Sir Greenfield,
Ang pangingibang bansa na lang ang nalalabi para makaalis na ang pamilya sa kahirapan.  Nang dahil sa labis na kahirapan ay nakakaisip na ng masama ang kapatid kong lalaki.  Panganay ako sa apat na magkakapatid.  Hindi naman ako natatakot mangibang bansa sa kabila ng masamang nangyayari sa mga OFW.  Kasama ko ang aking pinsan at kapwa kami magtatrabaho sa isang amo.  Matutuloy ba kami?  Kung hindi kami matutuloy ay nakalulungkot naman dahil malaki na ang nagagasta ko.  Minsan ay gusto ko nang sumuko, pero kumontra ang aking mga magulang at sinabi nila na ituloy ko na.  Makaaalis ba ako bago matapos ang taon?  Ako’y ipinanganak noong Abril 20, 1985.
Umaasa,
Anna Lisa, ng Kalamansig, Sultan Kudarat
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
May malinaw at malawak na Travel Line (Illustration 1-1 arrow 1.) sa iyong palad. Tanda na basta’t ituloy mo lang ang pagsisikap na makapangibang bansa, tiyak ang magaganap darating din ang takdang panahong may itatalang mabunga at mabiyayang pag-aabroad sa iyong kapalaran.
Cartomancy:
King of Hearts, Queen of Cubs at Nine of Clubs (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing sa tulong ng isang lalaki mas may edad o mas matanda sa iyo ng mga siyam hanggang 10 taon, sa taon ding ito ng 2014 sa buwan ng Oktubre hanggang Nobyembre, matutuloy ka na sa pag-aabroad at ang nasabing pangingibang bansa ang siya na ring magiging simula upang ang inyong pamilya ay unti-unti ng makaahon sa kahirapan. Itutuloy

Read more...