HOROSCOPE, January 28, 2014

Para sa may kaarawan ngayon:  Sa taong ito ng 2014 hindi dapat maging magastos. Huwag bumili ng mga bagay na hindi kailangan. Sa ganyang paraan mas madali kang uunlad. Sa pag-ibig, matutuwa ang kasuyo, sa sandaling nalaman nyang marunong ka ng magtipid. Mapalad ang 3, 15, 28, 31, 33 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” Yellow at apple green ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19)— Gamitin ang kakayahan sa pagtulong sa kapwa! Habang  isinasagawa ang public service, kikita ka ng malaking halaga. Sa pag-ibig, habang tumutulong sa kapwa darating bigla ang true love.  Mapalad ang 3, 12, 18, 25, 34, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Agara-Sandhapa-Coronaria-Om.” Red at pink ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)— Pagdating sa kaibigan, ikaw ang pinakamapalad, iniisip mong marami kang mga tapat at mabuting kaibigan, subalit dapat ka paring mag-ingat isang kaibigang Leo ang manloloko sayo. Sa pag-ibig, isa lang ang dapat mong pagkatiwalaan ang kasuyong Virgo. Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Salva-Me-Om.” Red at purple ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)— Maaari nang magkatotoo ang iyong mga pangarap basta’t wag ka lang magpabago-bago ng isip. Mag-concentrate sa dalawang gawain amang – pagkakamal ng maraming pera at maligayang pamilya. Mapalad ang 3, 18, 27, 34, 40 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Om-Dhipana-Om-Bodhana.” Violet at blue ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)— Kailangan ang pagmamahal mula sa opposite sex. Kapag kasi may muling dumating wag ka ng maging pihikan, sunggaban mo agad. Sa Valentines day na darating aanhin ang maraming salapi kung wala ka namang special someone? Mapalad ang 2, 7, 20, 25, 34, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Om-Minna-Om-Galla.” Green at yellow ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)— Bago magpasarap unahin muna ang trabaho at responsabilidad. Kapag natapos na ang lahat ng gawain, mas masarap ng mag-relaks at magpabandying-bandying. Sa pag-ibig isama ang kasuyo sa binabalak na pamamasyal. Mapalad ang 5, 9, 18, 27, 33, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Shiva-Om-Durga!” Green at white ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)— Kahit na sobrang busy ang mga araw gumawa ng paraan na laging makausap ang minamahal upang lalong tumibay ang relasyon. Sa pinansyal, wag hayaang sumama ang loob ng isang kaibigang Capricorn ng dahilan lang sa pera. Mapalad ang 6, 19, 21, 27, 38, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Om-Ne-Pad-Me-Om.” Pink at yellow ang buenas.
 Libra – (September 23-October 23) —  Sa taong ito ng 2014 umiwas sa mga intriga dahil ito ang sisira sa iyo at magbibigay ng malaking problema. Sa pinansyal wag ikalungkot ang kawalan ng salapi, dahil pagpasok ng buwan ng Pebrero, kusa ng gaganda ang pasok ng pera. Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 33, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Yod-He-Vau-Weh.” Blue at silver ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)—  Ganon talaga ang pag-ibig, kahit ilang ulit at ilang beses ka pang masaktan, siya parin ang tinitibok ng iyong puso att isipan. Magipon ka ng maraming pera at magpayaman, upang muling bumalik  ang kasuyong Cancer. Mapalad ang 6, 19, 24, 34, 38 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Bhagava-Githa-Om.” Magenta at lilac ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)—Wag magdamdam sa mga puna at pintas ng mga kasamahan. Sa mga pula at pintas nila lalong tatatag ang iyong personalida. Sa pag-ibig ang matatag na personalidad ang hihigop ng magandang kapalaran.  Mapalad ang 5, 17, 22, 32, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Arjuna-Govinda-Om.” Beige at pink ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)—  Ubusin ang oras sa pag-gawa ng mga bagay na pagkakaperahan, tangihan muna ang kasiyahan. Sa pag-ibig, ang ngiti ng kasuyo ay sapat ng magpapaligaya sa bawat araw. Mapalad ang 4, 18, 22, 31, 39, at 41. Mahiwaga mong mantra: “Om-Purana-Om-Padma.” Red at blue ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)—Bigyan uli ng pagkakataon ang puso na umibig, upang hindi na mawala ang mga bagay na sadyang para sa iyo.  Sa pinansyal muling magsimula ng bagong kalakal na may kaugnayan sa pagkain  at modernong kumunikasyon. Mapalad ang 5, 7, 18, 27, 32, 41 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Apo-Roque-Apo-Roque.” Gray at lilac ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)—Tulad ng dati, kakapusin na naman sa pera. Higit mong kailangan ngayon ang suprota ng iyong pamilya. Sa pag-ibig, wala na talagang maaasahan sa kasuyong tatamad-tamad. Palitan na siya, maghanap ng isang Capricorn. Mapalad ang 2, 7, 29, 37 40 at 46.  Mahiwaga mong mantra: “Hare-Krisna-Hare-Rama.” Pink at green ang buenas.

Read more...