Dina: Utang na loob sinira ang pelikula ko! | Bandera

Dina: Utang na loob sinira ang pelikula ko!

- November 19, 2011 - 02:20 PM

Sino kina Katrina, Nadine, Erich, Jennylyn ang guilty?

Nakakaloka si Dina Bonnevie! Talagang hindi niya napigilan ang magtaray sa isyu ng pagri-remake ng mga dati niyang pelikula.

Sa presscon ng bago niyang TV project, ang sequel ng pelikulang PS I Love You na mapapanood na sa TV5 on Monday night, naitanong kay Ms. D kung ano ang masasabi niya sa mga TV remakes, lalo na ng kanyang mga past movies at talagang hindi niya naitago ang pagkaimbiyerna niya.

“Sa akin, sana naman kung merong remake, if not as good, better. Pero pag ni-remake na, it’s worse, parang sinayang mo naman.

“Good kung ‘yung gumanap ng remake, magaling. Pero, bad kung ang gumawa ng remake, e, parang, ‘Oh, my gosh, bakit siya ang pinili?’ Parang, ‘Hello, sinira ‘yong masterpiece!” diretsong chika ni Dina na siyang gaganap sa papel noon ni Sharon Cuneta sa movie version ng PS I Love You.

Makaka-partner niya rito si Gabby Concepcion na gagampanan pa rin ang role niya noon sa movie.

Nang tanungin kung sino ba ang pinatatamaan niya, “I don’t want to name names. Alam ninyo naman kung ano ‘yong mga movies ko ang ni-remake na. ‘Yung iba talagang, ‘Bongga, ha, may arrive!’ Pero mayro’n iba na, ‘Utang na loob lang, sinira mo ang pagkaganda-gandang masterpiece. Lumayas ka sa TV dahil hindi ka bagay!'”

Dagdag pa niya, “Gusto kong tawagan ang aktres na, ‘Puwede ba pumunta ka sa bahay ko, parang iwo-workshop lang kita ‘neng, parang sinira mo ‘yong masterpiece!'”

Para sa kaalaman ng ating mga dear readers, ang ilan sa mga pelikula ni Dina na ginawan ng TV remake ay ang Katorse na pinagbidahan ni Erich Gonzales, Maging Akin Ka Lamang na ni-remake ni Nadine Samonte, Gumapang Ka Sa Lusak ni Jennylyn Mercado at Magdusa Ka ni Katrina Halili. So, kayo na ang bahalang humula kung sino ang pinatatamaan ni Ms. D.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending