MAY sequel na pala si direk Wenn Deramas sa highest-grossing film of all time na “Praybeyt Benjamin” na pinagbidahan ni Vice Ganda.
At bongga ang nasabing pelikula dahil sa Europe raw balak i-shoot ni direk Wenn ang movie. Kaya lang, may isang taon pang maghihintay ang mga fans ni Vice Ganda dahil sa 2013 pa ito ipala-labas.
Sa official release, kumita ang “Praybeyt Benjamin” ni Vice Ganda ng P327 million at nilagpasan na nga nito nang milya-milya ang “No Other Woman” nina Derek Ramsay, Cristine Reyes at Anne Curtis.
At sa darating na Nov. 30, ang pelikula naman nina Sarah Geronimo at Gerald Anderson ang huhusgahan ng mga moviegoers, let’s wait and see kung mababawi pa ni Sarah ang pagiging Box-Office Queen niya sa pa-ngalawang pelikula nila together ni Gerald.
May rason si Sarah para ata-kihin ng sobrang pressure dahil ang dalawang magkasunod na pelikula nga ng Star Cinema at Viva Films ay parehong super blockbuster hits. At inamin nga niyang hindi na siya masyadong nakaka-tulog sa gabi. Grabe ang pressure.