Korina: Ang gusto ni Mar sa akin, asawa lang, walang politika!
Finally, nakatsikahan din namin ang loyalistang talent ng ABS-CBN na si Chief Correspondent ng News Department Korina Sanchez.
Ilang beses na kasi kaming nagpa-schedule ng exclusive interview kay Ms. Korina noong nakaraang taon dahil sa isyu nila ni CNN correspondent Anderson Cooper at ng pagkawala niya sa radio program niyang “Rated Korina” sa DZMM. Pero mas piniling manahimik ni Korina para hindi na lumala pa ang isyu.
Ang gusto na lang linawin ng broadcast journalist ay ang pagkawala niya sa radio dahil nakabalik na naman siya sa TV Patrol.
Muling ikinatwiran ni ate Koring na tatapusin niya ang kanyang masteral kaya iniwan muna niya ang radyo, “Paano ko matatapos (masteral) kung may radyo ako sa umaga?
Kaya nga hindi ko matapus-tapos kasi wala akong oras. “So, para matapos kailangan kong i-sacrifice ang radio program ko, good thing may online class na.
Heto nga, e, habang nagti-TV Patrol, nasa class ako, kaya sinasabi ko sa kanila (professor) dapat magkakasundu-sundo (sa oras) kayo dapat, may classmate ako from Canada, Israel, Singapore, Malaysia.
“Lahat sila available after work, e, Patrol time, 7 p.m., so ako na lang maga-adjust, sabi ko sa professor ko, ‘I just want you to know that I’ll be like, If I don’t answer questions, I’m probably on air, natatawa naman sila, they’re very lenient that way,” kuwento pa ng matapang na broadcaster.
Samantala, natanong din ang maybahay ni DILG Sec. Mar Roxas kung ano ang plano ng kalihim sa 2016 elections, “Sa totoo lang, hindi talaga namin napag-uusapan kasi, ang nakita kong gustong relasyon ni Mar sa akin ay talagang asawa lang.
Kumbaga, parang hindi ako ka-sparring pagdating sa politika. “In the earlier years of our relationship, I thought he wanted that. Eh kasi, feeling ko, equipped naman ako to talk about those topics.
And then, I noticed, he never brings it up. And the few times I tried to bring it up, nakikita ko na ayaw niya. Kumbaga, lalaking-lalaki siya na few words talaga siya.
“Lalo na kung sensitive (issue) at may meeting sa bahay, sinu-shoo (pinagtatabuyan) ako nina Frank Drillon, (at sasabihin), ‘ay, o, lumabas ka muna dito Korina, may pag-uusapan na kami”. Talagang hindi talaga sila nagsisimula, parang unwanted ako doon.
“So, taga-serve lang ako ng pagkain. Hindi ako puwedeng maki-tsismis,” natatawang kuwento sa amin.
( Photo credit to E Santiago )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.