SSS information secret

PUWEDE po ba ninyo akong matulungan na malaman ang SSS number ng aking asawa?
Ang pangalan niya sa pagkadalaga ay Lilia Cabrera Reyes at ang birthday niya ay Feb.11, 1958 at ang address nila ay F. Muñoz San Andres Bukid, Paco, Manila.
Thanks sana aay matulungan ninyo ako.
Cesar

REPLY: Ginoong Cezar Ipagpaumanhin ninyo at hindi po namin maibibigay sa inyo ang SSS number ng inyong asawa na si Mrs Lilia Cabrera Reyes.
Ito ay dahil sa ipinaiiral na secrecy provisions sa ilalim ng batas ng SSS.
Ang maaari ninyong gawin ay isama ang in-yong misis at magtungo sa pinakamalapit na SSS office sa inyong lugar at sabihin sa officer/staff na nakalimutan niya ang kanyang SSS number.
Ilahad sa officer ang lahat ng detalye tungkol sa sarili, name of parents at iba o kung ano ang isinulat sa records na isi-numite sa SSS.
Maaari rin naman na sumulat si Mrs Lilia sa SSS at i-authorize kayo para humingi ng kanyang number.
Kung kayo naman ay may internet access, maaaring mag-log in sa member_relations@sss.gov.ph at dito mabibigyan ng katugunan ang inyong mga katanu-ngan.
Ms. Susi Bugante
Vice President
for Corporate Affairs
SSS

Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapag- lingkuran sa abot ng aming makakaya.
Kaya naman huwag kayong mag-atubiling sumulat
sa Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City.
Maaari rin kayong mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@gmail.com Serbisyo publiko sa AKSYON LINE. Kakampi mo! Maaasahan!

Read more...