Richard walang alam sa issue ng ‘SEX’ sa Survivor

Inamin ni Richard Gutierrez na kahit siya ay nadadala sa sobrang tensiyong nagaganap sa bawat araw ng Survivor Philippines Celebrity Doubles Showdown na nagsimula na nga kagabi sa GMA TeleBabad.

Ayon kay Richard, may mga pagkakataon na pati siya ay nadadala ng kanyang emosyon lalo na kapag may mga pasaway na castaways, “Siyempre, tao lang tayo, minsan naaapektuhan talaga tayo ng mga bagay-bagay.

Yes, may mga pagkakataon na medyo nake-carried away ako sa mga nangyayari, lalo na kapag kaharap ko na ang tribal council. ‘Yun ang abangan n’yo, paano ako naapektuhan sa mga pinaggagagawa ng castaways,” say ni Richard.

Tungkol naman sa lumabas na balitang may mga nagaganap na sexual activities among the castaways sa isla, wala raw alam du’n si Richard, “Hindi ko alam.

Ewan ko kung saan nila nakuha ‘yon. Hindi ko talaga alam. Ha-hahaha! Ako, hindi ko alam. Baka sila, mas alam nila. Kasi, sila ‘yung nasa isla. Hindi ko mako-confirm, pero hindi imposible!” chika ni Richard.

Para sa mga hindi pa nakakaalam, ang mga castaways sa bagong season ng Survivor Philippines ay sina KC Montero at Geneva Cruz; Alyssa Alano and former Sexbomb Aifha Medina; Ellen Adarna and boyfriend Filo Cucueco; Jackie Foster and radio DJ Angelicopter; former child actor Chuckie Dreyfus and Isabel Granada; ang magpinsang sina Arthur Solinap at Carlo Gonzalez; GMA talents Maey Bautista and Betong Sumaya; Stef Prescott and model Gino dela Peña; Philippine Volcanoes’ Arnold Aninion and John Odulio; and Maria Isabel Lopez and daughter Mara Yokohama.

In fairness, kahit na ngarag at matinding tensiyon ang na-experience ni Richard sa isla ng Palawan, fresh na fresh pa rin ang itsura niya sa presscon ng Survivor Philippines. At siyempre, ipinagmalaki ni Richard na ‘yan ay dahil sa patuloy niyang pagiging endorser ng Flawless.

At dahil malapit na nga ang inaabangang National Flawless Day, ibinahagi ni Richard ang good news para sa mga tulad niyang laging on the go.

On the seventh week of the National Flawless Day countdown, siguruhin n’yo raw na laging glowing and radiant ang inyong skin with up to 40% off on WartsOut (face and neck), ExZit and the Nano Powerpeel.

May discounts din sa warts electrocautery, ang isa sa mga services na nagpabongga talaga  sa Flawless.
Beauty benefits include softer, smoother and younger skin, thanks to the stimulation of collagen and elastin.

Scars from acne, chicken pox and surgery are diminished, and so are age spots and fine lines. And of course, lucky customers can join Pick A Prize for each P1,500 purchase. For inquiries tawag lang sa 6879118 or 5846807.

Read more...