Angelica nabwisit sa ‘Pekeng Angelica’

MAG-INGAT kayo sa mga gumagaya kay Angelica Panganiban, lalo na sa sinasabing poser niya sa Twitter account. Nakumpirma kasi ni Angelica na may isang taong nagpapanggap na siya sa nasabing social networking site.

Sa kanyang Twitter account, sinabi ng sexy actress na nabubwisit na siya sa nasabing poser dahil sa ginagawa nitong panggagaya sa kanya.

“Nakakainis yung poser ko…Nakaka stress ka….Wala kang sariling identity :(” ayon sa tweet ni Angelica.

Sa panayan kay Angelica ng The Buzz last Sunday, sinabi niya na wala naman daw siyang magawa para pigilin ang mga poser sa Twitter. Ang nakakatakot lang daw ay baka may gawing hindi maganda ang nasabing poser na ikasira niya.

“Ang weird lang na parang wala silang sariling identity. Parang ginagaya nila ako. Siguro, talagang fan lang siya na gustong maging ako,” chika ng aktres.

Dagdag pa ni Angel, “E, kasi kung ano ang tinu-tweet ko, tinu-tweet din niya. So, the choice is yours. Kayo na lang ang bahala. E, wala e, nandoon siya, e. Wala na akong magagawa,” malungkot pang say ng girlfriend ni Derek Ramsay.

Read more...