Angel pagtutulungan nina Marian at Jennylyn


Speaking of The Legal Wife, magtutulong raw sina Marian Rivera at Jennylyn Mercado para tapatan si Angel Locsin.
Base sa tsika sa amin ng taga-Siyete, aminado silang gusto nilang iwasan ang The Legal Wife dahil base nga sa survey nila ay maraming nag-aabang dito kumpara sa serye nina Marian at Jennylyn.

Ang balita sa amin, “Maghahati kasi, ‘yung kay Marian, late papasok, mauuna ‘yung kay Jennylyn, so hindi tapat na tapat, mahahati.”

In fairness, mukhang maganda nga talaga ang The Legal Wife dahil nang makausap namin ang head ng creative na si Henry Quitain ay inamin nitong nag-interview talaga sila ng mga tunay na tao – legal wives, mga kabit  at mga mister, sa madaling salita, true to life story ito.

Say  ng paborito mong aktres bossing Ervin, “Tatlong taon man po akong walang soap opera, worth it naman ang paghihintay ko.”

Actually, hindi naman nawalan ng project si Angel dahil may sitcom siyang Toda Max at nakadalawang pelikula rin siya, ang “In The Name of Love” at “One More Try” kung saan pareho siyang nanalong best actress.

Aanhin mo nga ‘yung kaliwa’t kanan ang programa sa TV kung hindi naman nagmamarka? Kapareho rin sa pelikula na marami, pero wala namang award.

Kaya watch na sa Lunes, Enero 27 ng The Legal Wife kasama sina Jericho Rosales, Maja Salvador, Joem Bascon, Ahron Villena, Rio Locsin, Mark Gil, Maria Isabel Lopez, Bernard Palanca, at Christopher de Leon mula sa direksyon nina Rory Quintos at Dado Lumibao.

Read more...