Sulat mula kay Kristina, ng Barangay Silop, Surigao City
Dear Sir Greenfield,
Nagtrabaho na ako noon sa Japan pero hindi ako Japayuki. Walang kaugnayan sa pagpapasaya ng mga Hapon ang aking trabaho. Kumita naman ako kaya’t may naipundar din naman. Pero, natapos ang aking kontrata kaya balik-Pinas ako. Balak kong bumalik sa Japan dahil wala nang trabaho dito sa Pinas. Nagulat ako na napakahirap na palang mag-apply sa mga trabaho sa Japan. Mahigit isang taon na akong naglalakad ng papeles. Makakabalik pa kaya ako sa Japan?
Umaasa,
Kristina, ng Barangay Silop, Surigao City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
May malinaw namang Travel Line (Illustration 1-1 arrow 1.) sa iyong palad. Ibig sabihin, sabihin basta’t
Cartomancy:
Queen of Diamonds, King of Clubs at Nine of Hearts ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang naglalarawan ng susunod na mga pangyayari: “Makapagdya-Japan kang muli sa tulong ng lalaking mas matanda sa iyo at ang nasabing pagdya-Japan ay nakatakdang maganap sa ika-siyam na buwan ng 2014.”
Itutuloy