HOROSCOPE, JANUARY 22, 2014

Para sa may kaarawan ngayon:  Disiplinahin ang sarili upang lalo pang umunlad. Sa pag-ibig, wag kang mag hintay ng “ideal love” hindi darating yan! Makipag-relasyon sa isang Cancer upang lumigaya. Mapalad ang 4, 18, 27, 34, 38 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Babanam-Kebalam.” Orange at green ang buenas.   
Aries – (Marso 21-April 19)—Tama ang pagkukuripot kung pagyaman ang layunin. Sa pag-ibig aanhin  ang salitang “pagmamahal” kung pareho naman kayong walang pera. Tandaang maligaya lamang ang relasyon kapag maraming pang-gastos. Mapalad ang 5, 17, 26, 34, 43, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Babanam-Om-Kebalam.” Gray at pink ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)—   Hindi masamang tumulong, subalit kung lagi namang ikaw ang inaasahan, parang kinukunsinte mo ang mga tamad. Sa pag-ibig, ang kinabukasan ng pamilya ang higit na mas mahalaga bago ang pagtulong sa mga kaibigan.  Mapalad ang 6, 17, 25, 28, 46 at 49. Mahiwag among mantra: “Viola-Violae-Om.” Blue at pink ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)—May darating na magandang oportyunidad sa pag-ibig at pagkakaperahan hatid ng isang Aquarius. Wag ka ng mag-inarte pa – sunggaban agad ang dapat! Mapalad ang 2, 11, 29, 35, 39, at 47. Mahiwaga mong manra: “Katha-Upanisad-Aum.”  Silver at green ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)—Kung nagbabalak magpaganda ng bahay apple green ang ipintura sa dingding. Sa nasabing kulay, ibat-ibang suwerte ang makakamit. Sa pag-ibig, kung magsusuot ng green, matamis na romansa ang aanihin. Mapalad ang 1, 7, 20, 25, 34, at 43. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Gayatri-Om.” Bukod sa green ang yellow ay buenas.
Leo – (July 23 – August 22)— May lihim na naiingit sayo! Wag silang pansinin upang hindi masira ang araw mo! Sa pinansiyal, ituloy mo lang ang pagpapayaman. Sa pag-ibig, naiingit sila sa iyo dahil mas maganda ka sa kanila. Mapalad ang 3, 4, 12, 21, 38 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Bhama-Yoti-Dosya-Om.” Violet at orange ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)—May likas kang magnetismo na wala sa ibang zodiac signs, kaya naman sa pinansyal mas makabubuting ikaw ang mag-market ng iyong produkto para mabilis na yumaman. Sa pag-ibig, ipatupad ang matagal ng planong mag-honeymoon sa Palawan. Mapalad ang 6, 15, 24, 33, 42 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Sukadeva-Mantra-Om.”  Yellow at maroon ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) —Sa taon ito, kung ayaw mong mapaki-alaman wag ding makialam sa buhay ng iba. Sa pinansyal, wag mang-gaya ng produkto kailangang madiskubre ang unique na kalakal na magpapayaman sayo.   Mapalad ang 1, 8, 19, 22, 31, at 49. Mahiwaga mong mantra: “ Aum-Kedemel-Hagiel-Om.” Red at violet ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)— Panahon na upang ipakita ang sariling kagustuhan. Sa pinansyal at pag-ibig, kapag may katuwiran – ipaglaban mo! Sa ganyang attitude, mas lalo kang uunlad at mas magiging maligaya. Mapalad ang 7, 11, 19, 23, 26, at 45. Mahiwaga mong mantra:  “Aum-Avayara-Om-Beeja.” Beige at black ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)—Kung pananatiliin ang pagmamahal sa pamilya hindi ka lang susuwertehin sa pakikipag-relasyon, kundi papalarin karin sa larangan ng materyal na bagay. Ang tapat na pag-ibig ang pundasyon ng masaganang kapalaran. Mapalad ang 7, 16, 25, 34, 37 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Certum-Est-Quia-Est-Aum” Pink at purple ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)—Sa taon ito, habang nagpapakabuti at nagpapakasipag, lalong darami ang salapi. Sa pag-ibig, wag lokohin ang kasuyong Virgo malaking halaga ng salapi ang maitutulong nya sayo. Mapalad ang 5, 18, 32, 39, 41, at 46. Mahiwaga mong mantra: “Jai-Guru-Deva-Om.” Yellow at green ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)— Sa pag-ibig, at aspetong pang pinansyal, kung puro damdamin ang paiiralin, paano ka uunlad? Sa pag-ibig maging praktikal upang hindi ka na lumuha. Mapalad ang 4, 13, 28, 37, 39 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Om-Dosya-Om.” Orange at yellow ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) —Ituloy ang kasalukuyang hanap buhay at dagdagan pa ang pagsisipag, darating din ang araw kusa kang yayaman. Sa pag-ibig, dalasan pang lalo ang pagte-text sa kasuyo, wag manghinayang sa load – “mag-unli” ka na lang! Mapalad ang 8, 18, 21, 33, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Dhar-Masya-Om.” Purple at lilac ang buenas.

Read more...