P155.4M grand lotto jackpot nasungkit sa ‘Munti’

SA Muntinlupa City tumaya ang nanalo ng P155.4 milyong jackpot prize ng Grand Lotto 6/55 na binola Lunes  ng gabi.
Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office isa lang ang tumaya sa mga lumabas na numerong 02-38-32-19-08-03.
Umabot sa P64.325 milyon ang halaga ng itinaya para sa naturang bola. Nagkakahalaga ng P20 ang taya sa bawat anim na numerong kumbinasyon.
Nanalo naman ng tig-P48,730 ang 66 mananaya na nakakuha ng lima sa anim na numerong lumabas.
Tig-P960 naman ang tinamaan ng 2,653 mananaya na naka-apat na numero at 52,429 mananaya naman ang nakakuha ng tatlong numero (balik-taya).
Lumaki ang jackpot prize ng Grand Lotto dahil huli itong tinamaan noong Nobyembre 13. Nagkakahalaga ang premyo noon na P148 milyon na nakuha ng isang sundalo mula sa Mindanao.
Balik sa P16 milyon ang jackpot prize ng Grand Lotto. Binobola ito tuwing Lunes, Miyerkules at Sabado.

Read more...