True ba, Sharon, Kris magkagalit?

NAGTANONG daw si Kris Aquino sa isang staff ng isang magazine kung ano na ang mangyayari sa magazine ni Sharon Cuneta sa ABS-CBN Publishing?

Kris is probably aware that Sharon’s about to leave the network kaya naman nag-alala siya sa kung ano ang magiging sitwasyon ng kanyang magazine. Parehong may magazine sina Kris and Sharon sa publication ng ABS-CBN.

Nagtataka lang kami, why is Kris so interested sa kung ano ang mangyayari sa magazine ni Megastar?

Isa pa, akala ko ba close friends sila ni Sharon, eh, bakit parang hindi yata sila nag-uusap. Hindi ba noong mga panahon ng eleksyon ay sabay pa silang bumisita sa bahay ni Vilma Santos sa Alabang at nag-tour pa sila gamit ang multi-functional bus ni Vilma?

Totoo nga bang hindi sila okay ngayon? Totoo bang meron silang personal na problema? Kung true ito, ano kaya ang dahilan ng hindi nila pagkikibuan?

Read more...