Angel: Hindi ko alam, basta mahal ko si Luis at gusto ko siyang makasama!


Ipinagdiinan ni Angel Locsin na hindi niya kailanman niloko si Phil Younghusband. Naghiwalay daw sila nang maayos ng football player at lalong walang kinalaman sa break up nila si Luis Manzano na mahal na mahal pa rin niya hanggang ngayon.

Pinanindigan ni Angel ang pag-amin na nananatili sa puso niya si Luis, ito’y sa kabila nga ng mga panlalait sa kanya ng ibang tao lalo na sa mga supporters ni Phil, anila, simula pa raw daw ng relasyon nila ng player ng Azkals ay niloloko na niya ito.

“Well nu’ng nagsalita kasi ako (tungkol sa kanila ni Luis) parang ine-expect ko na rin naman na marami talagang hindi makakaintindi.

Pero ako sobrang against talaga ako sa mga nanloloko ng tao eh at wala po akong history na nanloko ako ng boyfriend or kung sino man na may inagawan o ganyan.

Malayo po talaga ‘yon. Naghiwalay po kami (ni Phil), mutual po ‘yung decision. Wala pong kinalaman si Luis,” paliwanag ni Angel sa Buzz Ng Bayan nu’ng Linggo.

“In all fairness siguro ‘yung mga taong malapit sa amin, alam kung gaano kami nag-iiwasan ni Luis ng tatlong taon po. Hindi po kami magkagalit pero nagkakataon lang talaga na di muna tayo dapat magkita, di muna tayo pwedeng mag-usap,” ani Angel.

Kasabay nito, inamin din ni Luis na gusto pa rin niyang makipagbalikan sa kanyang ex-girlfriend. Kaya ang tanong, may relasyon na ba sila uli ng TV host-actor? “Hindi pa po, kasi nag-uusap pa kami.

Kakausapin niya ‘yung daddy ko. Hindi ako nagtatago pero may mga bagay lang talaga na inaayos kami.”But as of now, we’re happy, nag-eenjoy kami sa isa’t-isa at siguro mas nagiging honest kami sa isa’t-isa.

Sana maging maayos ‘yung pag-uusap kasi andami naming hindi napagusapan nung naghiwalay kami,” anito. Dagdag ni Angel, “Siguro sa lahat ng pinagdaanan namin noon, nakita ko na nag-mature siya.

Nakita ko rin na nagbago rin siya for the better. Hindi ko talaga ma-explain kung ano ang nararamdaman ko ngayon basta ang alam ko mahal ko ‘yung tao at gusto ko siyang makasama.”

( Photo credit to Google )

Read more...