Nakakolekta ng BF (2)

Sulat mula kay  Dominga, ng  Opol,  Misamis, Oriental
Problema:
1.      Nakarami na ako sa naging mga boyfriend.  Kaya naman, tinatawag nila akong taga-kolekta ng lalaki.  Walang nagtatagal at isa lang ang nais nila.  Ang paglaruan ang puso ng babae na kanilang nabola at parausan na lamang.  Hindi na ako kinikibo ng ilang kamag-anak at hindi ko alam kung ikinahihiya na rin nila ako.  Sa bawat relasyon na babagsak ay sinisikap ko naman itong iligtas.
2. Pero hanggang doon na lamang ang aking magagawa, hanggang sa tuluyan nang gumuho at luluha na naman ako.  May mga manliligaw na naman at natatakot ako na muling magkamali.  Payuhan mo ako. Dalawa ang nangungulit, isang isinilang noong  Jan. 20, 1990 at isang isinilang noong Jan. 11, 1989. April 23, 1991 ang birthday ko. Sino sa kanila ang dapat kong piliin?
Umaasa,
Dominga, ng Opol, Misamis, Oriental
Solusyon/Analaysis:
Astrology:
   Ang zodiac sign mong Taurus (Illustration 2.) ang nagsasabing sa dalawang lalaking masugid mong manliligaw sa kasalukuyan, higit mong ka-compatible siyang isinilang noong January 1, 1988. Kung saan, sa sandaling siya ang nakatuluyan mo, tiyak na kayo ay uunlad at habang buhay na yayaman.
Numerology:
Ang birth date mo ay nagsasabing higit mong katugma at ka-compatible ang lalaking may birth date na 14, siya ang dapat mong maging boyfriend at mapangasawa, dahil kapag nagkatuluyan, ang inyong mga birthday ay nagpapakita ng pag-unlad at pagyaman, bukod sa magandang pamilya na itatayo.
Luscher Color Test:
Upang hindi na muling mabigo sa pag-ibig at makamit ang maligaya at panghabambuhay na pagsasama, lagi kang magsusuot at gumamit ng kulay na asul at pula.  Sa nasabing kulay, makakasumpong ka na ng isang mabuti at pang habang buhay na asawa.
Huling Payo at Paalala:
Dominga, ayon sa iyong kapalaran, sa susunod na taon 2014 sa buwan din ng Enero mo sagutin ang lalaki. Sa ganyang paraan, matitiyak ang isang masaya, puno ng ligaya at maunlad na pag-aasawa, na nakatakda namang maganap sa taon 2016.

Read more...