Iwas na iwas din ang Kapuso leading lady na si Solenn Heussaff sa “sampalan scandal” nina Anne Curtis at John Lloyd Cruz na hanggang ngayon ay pinag-uusapan pa rin sa mga umpukan ng mga tsismosa nating mga kababayan.
Ha-hahaha! Isa si Solenn sa mga girl friends ni Anne at kapatid din ito ng boyfriend ng bagong Dyesebel na si Erwan Heussaff, kaya natanong siya ng media sa presscon ng pelikula nilang “Mumbai Love” kamakailan.
Sey ni Solenn, wala naman daw siya sa insidente kaya wala siyang karapatang magsalita tungkol dito, aniya nang malaman niya ang kuwento, “I just laughed it out!”
“Hindi ako…well, alam ko naman ang tsismis sa showbiz. So, I don’t want to get involved. I don’t wanna comment about it,” sey ni Solenn kasabay ng pagsasabing hindi naman daw niya nakitang umiyak si Anne nang dahil sa nasabing iskandalo.
E, ano naman ang naging reaksiyon ng utol niyang si Erwan nang biglang sumabog ang sampalan nina John Lloyd at Anne? “Si Erwan, naku, siya ang pinaka-hate ang showbiz.
So, wala siyang comment. He just said, ‘Don’t mind them.’” Bigla namang natawa si Solenn nang sabihin niyang, “At least, naging bongga ‘yung lines niya (Anne) ngayon, naging pasok.
Buying!” na ang tinutukoy nga ay ang sikat na sikat ngayong linya ni Anne na, “I can buy you, your friends, and this club.”
Tinanong naman si Solenn kung ginamit na raw niya ‘yun sa grupo nila kapag nagbibiruan sila, “Hindi pa ‘ko nag-joke.
Pero it’s funny talaga how people use it as a line. Naging line talaga. Naging famous line. So, ‘yun, funny lang para sa akin.”
Samantala, inamin ni Solenn na nagli-live in na sila ng foreigner boyfriend niyang si Nico Bolzico at tila wala pa rin silang balak magpakasal.
Kuwento ni Solenn, nagtatanong na raw ang nanay ng dyowa niya kung kailan sila ikakasal, “Yes, actually, ‘yung mom niya ang nag-a-ask.
Kasi, may dalawa siyang brother na 47 na and 46. Super-laki ‘yung (age) gap nila. So, sila may family na. Pero sabi ko sa kanila hintay na lang ako, ‘yun lang!””
So, kailan nga kaya sila lalagay sa tahimik? “Well, naka-live-in naman na kami ng two years. It’s just papers, that’s the difference. For me, hindi masyadong importante (kasal).
For me, importante kapag may mga bagay na you buy something together or kapag may anak na kayo. Mas safe ‘yung future ng mga anak.
“Pero kung wala kayong mga anak, for me, kahit living in. Married or not married, for me, same lang,” chika pa ng aktres.
Samantala, showing na sa Jan. 22 ang “Mumbai Love” kung saan makakasama rin ni Solenn sina Kiko Matos, Raymond Bagatsing, Martin Escudero, Jayson Gainza at marami pang iba, sa direksiyon ni Benito Bautista.
Ayon sa mga nakapanood na nito sa nakaraang premiere night, maganda ag matino ang pagkakagawa ng pelikula.
( Photo credit to Google )