KUNWARI’y maka-industriya ng pelikula ang gob-yernong ito. Hindi pala. Ang baka, na ginagatasan, ay binubusog at binubuhay para magatasan pa. Ang industriya ng pelikula, ginatasan na, kinuwartahan pa. Ang perang malinaw na sinabi ng batas na para sa Film Academy of the Philippines, Optical Media Board at iba pang grupo ay hindi ibinibigay nang buo, bagkus bawas na ito at kung anu-anong pinagkagastahan ang ikinarga, na hindi naman sinasabi at pinayagan ng batas.
Ang kinita sa Metro Manila Film Festival ay dapat inilagay sa trust fund, pero napunta ito sa pondo ng MMDA, na kinabibila-ngan ng marami pang pondo na nagmula sa iba’t ibang pinanggalingan. Ang pangulo ng FAP na si Leo Martinez ay nag-iingay na at nakapagsampa na ng kasong sibil sa Regional Trial Court hinggil sa pera na
ipinagkait sa industriya, na umabot na sa mahigit P80 milyon.
Napakalaking gatas nito at makapangyarihang ahensiya lamang ang kayang pumiga nito sa mga grupong walang kakayahang manggulo. Pero, unti-unti nang kumukilos si Martinez. Sana’y isampa na niya ang susunod na kaso sa Ombudsman, at ito’y kasong kriminal na.
Diyan na magkakaalaman kung gaano kalakas ang babanggain ng industriya ng pelikula.
Papurihan natin si Commission on Audit Chairperson Grace Pulido Tan, na tinawag ng mga kritiko na COA Tan, dahil may katapangan niyang binusisi kung saan napunta ang tamang porsyento ng industriya sa kinita ng filmfest. Ang nasa MMDA ay isa sa pinakamalakas kay Pangulong Aquino.
Pagbubunyi kay Cotabato Archbishop Orlando Quevedo bilang cardinal. Malaki ang karanasan ni Quevedo hinggil sa usaping kapayapaan mula sa kanyang karanasan bilang obispo ng Ilocos Norte at Ilocos Sur; at noon ay Cordillera Autonomous Region.
Panahon na para isama si Quevedo sa
usapang kapayapaan at paghahanap ng solusyon sa maraming sigalot sa Mindanao.
MULA sa bayan (i-text sa 0917-8446769): In Davao City, no one is above the law. Si former Mayor Sara Duterte ay nahuli sa overspeeding at minultahan. Ang mga Binay, ang mga karapatan ng mga guwardiya ay inapakan. Sina PNoy, Senado at Kongreso, wala sanang lama-ngan pagdating sa pera. Amil, of Tagum City.
Protection is better than cure. PNoy should follow Mayor Rody Duterte. The victims of firecrackers mean we have a lady-thinker ruler. We need a leader that is tough as nail who will not only protect the public from disaster but can figure out the problem and can find the best solution. Having a lousy president, our nation will surely be in peril. Duterte is the ever-living unsung hero, na dapat tularan ng ibang namamahala. …2920.
Mayor Duterte, mabuhay ka. Task Force Davao, smart kayo. Mobile patrol ng PNP visible kahit saan sa Davao to keep away criminals. Pero, ang PNP Highway Patrol, salot kayo sa Davao. …7774
Thank you Bandera for publishing my piece for “Mula sa Bayan,’ re-PNP kotong dito sa Toril. Lumipat naman sila sa Sirawan. Please, Mayor Duterte, action naman. Kawawa ang taumbayan. Gilbert of Davao City.
Sana, Sir Lito, muling buksan ang kantina sa Salug National High School para makapagtinda kami sa loob at hindi na maghirap sa labas. Jed Pableo, 20, Dipolog City.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.