HOROSCOPE, January 16, 2014

Para sa may kaarawan ngayon:  Sa taong ito, kung laging magsusuot ng green may kakaibang siglang mangingibabaw. Sa kulay berde mas maraming salapi ang matatanggap. Sa pag-ibig, muling makikipag-ugnayan ang matagal na nawala. Mapalad ang 2, 16, 25, 34, 43 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Adonai-Elohim-Shaddai.” Blue at red ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19)  —Mapapasayo ang tagumpay sa taong ito  basta’t ikilos lang ang anomang balakin sa isipan. Sa negosyo, aksyon agad ang dapat. Sa pag-ibig, hindi ka magiging maligaya kung laging may takot sa puso! Mapalad ang 4, 19, 29, 33, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra:  “Om-Harim-Om-Haram.” Pink at lilac ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)—Sa taong ito, ‘wag hayaang manaig ang damdamin! Sa pinansiyal, upang kumita ng malaking halaga, utak ang gamitin. Sa pag-ibig, sa sandaling naging emosyonal, muli na namang papatak ang luha. Mapalad ang 1, 10, 27, 33, 37 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Mohan-Karan-Om.” Green at black ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)— ‘Wag magpabago-bago ng isip.  Sa pinansiyal, biglaang desisyon at aksyon agad ang dapat. Sa pag-ibig, wag babagal-bagal, sa sandaling nagpakita ng motibo ang kasuyo – tuklaw agad! Mapalad ang 3, 15, 24, 33, 42, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Baba-Nam-Ke-Balam”. Lilac at pink ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22) —Magplano bago kumilos! Siguraduhin may feasibility study ang papasuking negosyo bago maglabas ng pera. Sa pag-ibig, ngayon palang ipadama na ang mga bagay na nagpapaligaya sa kasuyo. Mapalad ang 6, 9, 23, 29, 33, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Govinda-Om.” Blue at gray ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)—‘Wag mag mayabang. Sa patuloy na pagpapakumbaba, sa taong ito ng 2014 higit kang kikita ng maraming salapi at liligaya. Mapalad ang 1, 13, 19, 26, 35, at 44. Mahiwaga mong mantra:  “Gayatri-Savitra-Om.” Green  at golden yellow ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)— Iwasan ang bisyo! Sa pag-ibig, mahalin ang kasuyo gayon din ang sarili! Panatiliing malusog ang katawan, upang hindi na gumastos ng malaking halaga sa pagpapa-ospital at pambili ng mamahaling gamot. Mapalad ang 5, 18, 23, 37, 43 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Om-Gayatri-Om.” Red at white ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) —Negosyong may kaugnayan sa pagkain ang iaalok ng isang kaibigan, upang kumita ng malaking halaga – sunggab agad!  Sa pag-ibig, magte-text, ang dating kasuyo – na mi-miss ka na nya! Mapalad ang 6, 18, 23, 34, 41 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum”. Gray at yellow ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) —Simulan ang 2014 ng may malinis na puso. Batiin na ang mga kagalit. Kapag lagi kang masaya at walang kasamaan ng loob mas mabilis na madodoble ang kita. Sa pag-ibig, kalimutan na ang pagkakamali ng kasuyo upang maging happy kayo uli. Mapalad ang 9, 18, 27, 36, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Padme-Om.” Orange at blue ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)—“Positive thinking” ang kailangan sa taong ito. Sa negosyo, laging sabihin sa sariling: “Kikita ako ng malaking halaga!” Makikita mo, yon nga ang mangyayari! Sa pag-ibig, wag magisip ng masama sa kasuyo, ang totoo mahal na mahal ka nya! Mapalad ang 6, 17, 23, 25, 35, at 40. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum-Aum!” Violet at magenta ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)—May bagong pagkakakitaang matutuklasan. Sa pag-ibig, isang tigang na Cancer  ang magpapasin – sunggaban mo agad! Mapalad ang 6, 15, 24, 34, 43, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Om-Bhuvah-Om-Bhanah.” Red at blue ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)—  Hangga’t hindi nalilimot ang nakaraan, magiging alipin ka ng kasawian. Ang Bagong Taon na ito ang pinaka-mabuting simula upang limutin na ang kahapon. Sa pinansiyal, tapos na ang pagkalugi.  Sa pag-ibig, magbagong buhay na ngayon! Mapalad ang 4, 13, 22, 28, 35, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Savitra-Savitra-Om.” Yellow at white ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)  —   Sa taon ito, ingatan ang kalusugan! Kumain ng maraming gulay at regular na mag-ehersisyo! Tuwing umaga yayain ang kasuyo na mag-gym o kaya’y mag-bike. Nakapag-exercise na kayo naging sweet pa ang samahan. Mapalad ang 2, 10, 19, 28, 31, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Jai-Guru-Deva-Om”. Green at beige ang buenas.

Read more...