Alden ‘bibinyagan’ ni Marian sa kama


MAS pinili ng bagong “crush ng bayan” Kapuso leading man na si Alden Richards na gunitain ang kanyang kaarawan na malayo sa maningning na mundo ng showbiz.

Ilang araw makalipas ang kanyang 22nd birthday, hinandugan niya ng isang munting kasiyahan ang mga bata ng Holy Trinity Home for Children.

Hindi man siya nakasuot ng superhero costume noong araw na iyon, baon naman niya ay ang kanyang mapagmahal at busilak na puso para mapasaya ang mga bata.

“Last year, nangako ako sa kanila na bibisitahin kong muli ang Holy Trinity Home for Children. Kaya ngayon ti-nutupad ko ang pangakong iyon para muling makasama ang mga bata, maghandog ng munting kasiyahan sa kanila at para maiparamdam na andito lang ang kanilang Kuya Alden,” kwento ng ka-loveteam ni Marian Rivera sa bagong GMA  series na Carmela.

Labis ang saya ni Alden sa mga biyayang kanyang tinatanggap. Kaya naman excited ang aktor na ibahagi ang kanyang blessings sa mga bata. “Ang daming biyaya na ang ipinagkakaloob sa akin ni Lord.

Kaya ngayong taon  gusto kong maging mas makabuluhan ang selebrasyon ng aking kaarawan,” dagdag niya. Nakibahagi sa effort ni Alden para mas lalong mapasaya angmga batas ng Holy Trinity Home for Children ang Belo, Kakao Talk, Skechers, Folded and Hung, Waffle Time, Minute Burger, Zagu and Tous Les Jours.

Samantala, sa kanyang pagbabalik sa primetime, tiyak na mas tataas pa ang level ni Alden bilang isa sa mga pambatong leading man ng GMA, ngayong itatambal na nga siya kay Kapuso Primetime Queen Marian Rivera para sa inaabangang programa ng 2014 na Carmela airing on Jan. 27.

Ibinalita ni Alden na magkakaroon sila ng love scene ni Marian sa Carmela kaya ngayon pa lang daw ay pinaghahandaan na niya ito. This will be the first time na sasabak sa maiinit na eksena si Alden, at swerte siya dahil si Marian ang bibinyag sa kanya.

( Photo credit to E Santiago )

Read more...