Tulad nga ng nasulat namin kahapon, binasag na ni Daniel Padilla ang ilusyon ng fans na maging sa pagtulog ay sweet pa rin sila ni Kathryn Bernardo.
Kumalat kasi sa social media at naging viral ang photo nilang dalawa habang magkatabing natutulog during a taping break yata. Magkatabi ang kanilang kama at magkahawak-kamay sila while sleeping.
Na-upload ang photo sa social media at marami ang natuwa at kinilig sa shots nilang iyon. Talagang pinag-usapan ng fans nila ang acts of sweetness nila.
Pero tila killjoy itong si Daniel. Sukat ba namang ibuking na hindi naman talaga sila magkahawak-kamay habang natutulog. Ibinuking nitong pinaghawak-kamay lang sila ng kanilang director at saka sila kinunan sa ganoong posisyon.
So, honest naman pala itong si Daniel. Ayaw niyang hindi totoo ang lumalabas na story sa kanila ni Kathryn, ganoon niya iniingatan ang image ng dalaga.
Baka nga naman isipin ng mga tao, kaladkaring babae si Kathryn at madaling bumigay sa isang kalabit lang.
( Photo credit to E Santiago )