HINDI talaga napilit ng media si John Lloyd Cruz na magdetalye pa tungkol sa “sampalan scandal” sa pagitan nila ni Anne Curtis sa isang sosyalerang bar ilang linggo na ang nakararaan.
Ayon kay Lloydie, wala na siyang planong magsalita sa harap ng publiko tungkol dito dahil feeling niya, kapag nagkuwento o nagdepensa pa siya, wala rin naman daw itong mabuting idudulot sa mga taong sangkot.
Sa interview ng ABS-CBN kay John Lloyd sa taping ng bago niyang sitcom na Home Sweetie Home, tumanggi na ang aktor na mag-esplika pa about the issue.
“Ano ba ang pinag-uusapan natin? Kung iyong ano pa rin… Diyos ko, wala na, ayoko na talagang ano…kasi hahaba, hahaba nang sobra dahil may kanya-kanyang versions, eh. Hindi naman pwedeng… ‘di ba?
“Let it rest, hayaan natin. Hindi na magandang pag-usapan, kahit sabihin pa nating kung paano ako sinuportahan (ni Angelica Panganiban),” dagdag pa ni Lloydie.
( Photo credit to Google )