Walang sacred cow sa Davao City

HINULI ang dating Davao City mayor na si Sara Duterte-Carpio ng mga traffic enforcers dahil sa matulin na pagpapatakbo ng kanyang kotse.

Anong sinabi ni Sara, anak ng incumbent Mayor Rody Duterte nang siya’y binibigyan ng traffic violation ticket?

Wala siyang sinabing, “Hindi ba ninyo ako kilala?”

Ito ang sinabi ng dating mayor sa mga traffic enforcers: “Pasensiya na, akala ko kasi ay 60 (kph) sa Quimpo (Boulevard).”

Ang tatay ni Sara na si Mayor Duterte ay nagpasa ng executive order kamakailan na nililimitahan sa 40 kph ang tulin ng sasakyan sa mga mataong lugar at 60 kph sa mga highway.

Ang Quimpo Blvd. ay mataong lugar kaya’t 40 kph lang ang binigay na tulin ng mga sasakyan.

Natiktikan ng mga law enforcers ang tulin ng sasakyan ni Sara dahil sa isang bagong device that measures the speed of running vehicles.

Binayaran ni Sara ang multa sa Land Transportation Office (LTO) upang maibalik sa kanya ang kanyang lisensiya.

Wala siyang angal sa pagbayad ng multa at sa abala.

Sinabi ni Sara, na isang lawyer gaya ng kanyang tatay, na may natutuhan siyang leksiyon.

“Know your law,” aniya.

nan mo naman kung anong klaseng mga tao ang mga Duterte ng Davao City.

Di nila ginagamit ang kanilang pangalan at posis-yon sa gobyerno, di gaya ng iba diyan.

Kaya’t ganoon na lang ang paggalang ng taumbayan sa kanila.

Sa Davao City, walang sacred cow ‘ika nga, lahat ay pantay-pantay sa mata ng batas.

Yan ang dahilan kung bakit itinuturing na “best city” at “safest city” ang Davao City.

Nang si Rody Duterte ay naging congressman ng Davao City matapos mag-expire ang termino niya bilang mayor ilang taon na rin ang nakararaan, napabalita na ang kanyang anak na lalaki ay nambugbog ng isang security guard.

Hiyang-hiya si Duterte, one of the most controversial figures in Philippine political history, dahil sa ginawa ng kanyang anak.

Matapos humingi ng patawad sa security guard, nagpasya siyang pumunta kay Joseph “Erap” Estrada, na noon ay Pangulo ng bansa, upang mag-resign bilang congressman.

Sinabi sa kanya ni Erap na walang kapangyarihan ang Pangulo ng Pilipinas na tumanggap ng resignation ng isang elected official.

Dahil sa insidenteng yun ay sobrang naging matino ang anak na lalaki ni Rody Duterte.

Pumunta si Davidson Bangayan, aka David Tan, ang kingpin diumano ng rice smuggling sa bansa, sa headquarters ng National Bureau of Investigation (NBI) upang tugunan ang summons ng NBI.

Inimbestigahan si David Tan hindi sa rice smuggling kundi sa kasong pagnanakaw ng kuryente, ang dahilan ng summons sa kanya ng NBI.

Hindi siya kinuwestyon sa rice smuggling dahil wala pang reklamo laban sa kanya.

Pero nakilala siya ni Justice Secretary Leila de Lima na nagsabi na ang David Tan na sumipot sa NBI ay ang David Tan na itinuturo na rice smuggler.

Sinabi ni Tan sa mga reporters na hindi na raw kailangan na mag-smuggling ng bigas dahil “liberalized” na raw ang rice importation.

Ang tanong ng inyong lingkod: Bakit si David Tan lang ang sini-single out sa rice smuggling?

Bakit hindi imbestigahan din si Lito Banayo, dating administrator ng National Food Authority (NFA), dahil sa “liberalized” rice importation na sinasabi ni Tan?

Nagbitiw si Banayo bilang NFA administrator dahil pinagmamasdan siyang mabuti ni Agriculture Secretary Proceso Alcala.

Ang kanyang binigay na dahilan sa pagbibitiw ay tatakbo siya bilang congressman sa Butuan City, ang kanyang hometown.

Pero nang malapit na ang deadline for registration of candidates, sinabi niyang may sakit siya kaya’t di siya tatakbo.

Sinabi ng aking sources sa Bureau of Customs at Department of Agriculture na malaki ang kinita ni Banayo sa pagbibigay ng rice import permit.

Ang permits ay ginamit ng maraming beses ng mga smugglers.

Ang naging resulta ay nalugi ang mga magsasaka ng bigas dahil masyadong bumaba ang presyo ng bigas gawa ng maraming imported na bigas sa merkado.

Mainit na naman ang
usapin ng rice smuggling.

Kung mag-iimbestiga ang Congress ng rice
smuggling, dapat ay tawagin nila si Banayo.

Read more...