Bago mawala sa mundo, Kris titiyaking hindi maghihirap si Joshua


Kung walang pagbabago ay ngayong tanghali ang contract signing ni Kris Aquino sa ABS-CBN. Habang wala sa bansa si Kris ay nagkaroon ng isyu na lilipat na siya sa TV5 dahil “langit” daw ang offer sa kanya ni Manny V. Pangilinan.

Bukod pa sa tsikang inoperan din siya ng GMA 7 pero itinanggi naman ito ng Queen of All Media sa kanyang Instagram account kamakailan.

At base sa tsika ng aming source kaya lumutang na lilipat si Kris sa GMA ay dahil nabanggit pala na planong bilhin ni MVP ang sa Siyete na kasalukuyang pinag-uusapan pa rin hanggang ngayon.

“Pero definitely, hindi sa GMA 7 si Kris in case natuloy siyang lumipat sa TV5 dahil wala namang offer sa kanya ang GMA talaga,” kuwento ng aming espiya.

Going back to ABS-CBN contract ay tatlong programa ang kasama sa dalawang taong pipirmahan ni Kris kasama na ang Kris TV, Pilipinas Got Talent at isa pang talk show.

Narinig naman naming tsika sa production ay magbabalik-tambalan daw sila ni Boy Abunda na tuwing Linggo rin ipalalabas.
Paano na ang Buzz ng Bayan nina Boy, Carmina Villaroel at Janice de Belen?

“Actually, matagal na talagang gustong ibalik ang tandem nina Boy at Kris, nabago lang ang plano nu’ng magdesisyon si Kris na magku-quit na siya sa showbiz dahil sa gulo nila ni James Yap.

Pero ngayong okay na si Kris, kaya balik showbiz na siya at heto, pipirma nga siya ulit sa Kapamilya,” kuwento ng taga-production.

May malaking pagbabago rin daw na magaganap sa pipirmahan niyang dalawang taong kontrata sa Dos dahil makakasama na rin siyang mag-show para sa mga kababayan nating Pinoy sa ibang bansa dahil malakas ang Kris TV sa TFC.

Sa interbyu rin ni kuya Boy Abunda kay Kris sa Buzz Ng Bayan nu’ng Linggo  na ginanap sa bagong bahay nito sa Quezon City, ipinaliwanag mabuti ng Queen of All Media kung bakit nanatili siya sa ABS-CBN, “I always knew na passionate ang Kapamilya audience but I didn’t realize it was to that extent na parang it was a feeling of a family member walking away.

“Parang sabi ko, teka, nu’ng umalis ako, you yourself said sa show mo na there are no goodbyes. Hindi ko alam kung bakit lahat sila inisip na nila na aalis when all of that, to be perfectly clear, was all speculations.

I’ll be honest also, super na-appreciate ko ang lahat ng nagsabi sa akin, saan ka man mapunta, tagahanga mo kami and we’ll be there.

“Pero siyempre Boy na-understand ko talaga na kung eleksyon ito, ‘yung vast majority nagsasabi na huwag ka lumayas, magagalit kami sa ‘yo kung umalis ka,” pahayag ni Kris.

“I’m very, very grateful that a very good deal was closed. Siguro kasi din, parati kong sinasabi na I don’t want to overstay my welcome. ‘Yun ang tinuro ng mom ko na please go while you’re still on top,” aniya.

At aminadong kailangan niyang makapag-ipon ng husto para sa kapakanan ng panganay niyang si Joshua. “At the end of this, when I turn 45 and it’s time to walk away, at least I can do so na sure na sure ang kinabukasan ni Josh.

Parati ko ‘yun ine-emphasize na si Bimb survivor, may pupuntahan talaga. Si Kuya ang kailangan kong siguraduhin na kahit anong mangyari sa akin, he’ll be financially stable come what may,” klarong esplika ng TV host.

Kaya naman abut-abot ang pasalamat ni Kris sa ABS-CBN na naintindihan siya. “The trust, the respect, the value given to me by my bosses is immense. Nakakataba ng puso,” say ng TV host.

( Photo credit to Google )

Read more...