Sobrang nabababoy na ang mommy ko! – Ynna Asistio

FINALLY, nagsalita na nga ang girlfriend ni Mark Herras na si Ynna Asistio tungkol sa bangayan at demandahan sa pagitan ng kanyang inang si Nadia Montenegro at manager niyang si Annabelle Rama.

Nakausap namin kahapon si Ynna sa pocket presscon ng suspense-thriller movie na “The Road” ng GMA Films.

Ayon kay Ynna, gusto niya raw kasing ipagtanggol ang kanyang nanay sa mga akusasyon ni tita Annabelle, ayaw naman daw kasing magpa-interview ni Nadia.

“Sabi ko nga, parang hindi naman kasi nakakapagsalita ang mommy ko, basta tahimik lang siya sa pakikipaglaban. Parang ako yung nagtatanggol sa kanya.

Wala namang kinalaman kasi sa issue yung mga paninira niya sa nanay ko, na parang ginagawa na ng nanay ko lahat para protektahan kaming magkakapatid, and lagi niyang sinasabi na ganu’n kababa yung tingin niya sa amin, pero bakit ayaw niya kaming pakawalan?

“Parang bakit pinahahaba pa nila, bakit kailangang umabot pa sa demandahan, lagi niyang sinasabi na ayaw niya sa amin, parang napipilitan lang siya. E, ang hinihingi nga namin ay i-release na niya kami, bakit hindi niya magawa? ‘Yun ang hindi namin maintindihan.

Ano nga ba ang alam niya sa kontrata niya bilang alaga ni tita Annabelle? “Eversince naman, kasi family friend naman namin si tita (Annabelle), ang usapan nila ng daddy ko, three years muna, huwag nang five years, pero nag-explain si tita, ganyan-ganyan, so pinirmahan po ng mommy ko.

Tapos yun ang tine-take niya against us. E, ang gusto nga ni daddy noon, three years lang, lahat kaming magkakapatid. Tapos po, sabi niya kasi, okay na ‘yan, papalitan na lang daw nila sa office. So, kami, kampante naman na ganu’n nga ang ginawa nila.

“Ako kasi, sa lahat ng battle ng family namin, mabigat, isa ito sa pinakamabigat. Yung sa akin lang, nakasuporta lang ako kay mommy 100 percent, kasi para sa aming magkakapatid din ito, e. Ang nakakapanghinayang, parang nasayang yung samahan, pero hindi rin namin alam na magiging ganito, na parang ibang tao na yung kinakalaban ng mommy ko.

Iniiyak ba ng mommy mo yung mga nangyayari ngayon sa buhay n’yo? “Sa totoo lang yung iyak kasi ng mommy ko, yung shocked lang dahil sa mga pinagsasasabi ni tita Annabelle, na wala namang connection du’n sa kaso namin, bakit yung mommy ko ang sinisiraan niya, e, ang issue yung tungkol sa mga kapati ko.

“The more na nakakarinig kami ng mga bagay na sinasabi ni tita Annabelle, the more na nagkakaroon kami ng rason para lumaban. Kasi ang concern lang ng mommy ko, sige sabihin na natin na hindi pa tapos yung contract namin, hahayaan na lang ba niya na maghirap pa kami du’n sa natitirang panahon sa kontrata?

“Nagugulat ako sa nakikita kong paglaban ng mommy ko, iba yung tapang niya ngayon, parang bahala nang babuyin nila ako, huwag lang ang mga anak ko. So, siyempre, bilang anak, proud ako sa mommy ko na talagang ipinaglalaban niya kami. Alam n’yo naman, di ba?

Dagdag pa ni Ynna, “Sobrang baboy na baboy na ang mommy ko, pero talagang kami, talagang humahanga ako sa kanya, kahit nasasaktan na siya, hindi siya sumusuko.”

Read more...