Smith binuhat ang Pistons kontra Suns

AUBURN HILLS, Michigan — Tumira ng driving, left-handed bank shot si Josh Smith may 1.2 segundo ang nalalabi para ihatid ang Detroit Pistons sa 110-108 panalo laban sa Phoenix Suns sa kanilang NBA game kahapon.

Nagbuslo rin si Smith ng 3-pointer habang paubos ang kanilang shot clock para ibigay sa Detroit ang 108-105 abante may 26.8 segundo ang natitira sa laban. Subalit tinawagan din siya ng foul kay Gerald Green matapos na ang Phoenix guard ay bumitaw ng 3-pointer. Ipinasok ni Green ang tatlong free throws para itabla ang laro may 4.3 segundo ang natitira sa laban.

Nakuha naman ni Smith ang inbounds pass sa itaas ng key at sumalaksak patungo sa basket para makaiskor ng driving layup laban sa matinding depensa ni Channing Frye.

Sa sumunod na play ay sumablay naman si Green sa kanyang buzzer-beating jumper sa harap ng Detroit bench.

Si Smith ay nagtapos na may 25 puntos habang si Brandon Jennings ay nagtala ng walong puntos, NBA season-high 18 assists at walong rebounds para sa Detroit. Si Greg Monroe ay nagdagdag ng 20 puntos at 12 rebounds.

Si Frye ay gumawa ng 21 puntos para pangunahan ang Phoenix.

Read more...