HOROSCOPE, January 13, 2014

Para sa may kaarawan ngayon: Sa taong ito ng 2014 apple green ang dapat ipintura sa dingding ng inyong silid. Sa nasabing kulay, maraming suwerte ang makakamit. Sa pag-ibig, kung magsusuot ng green ngayon, matamis na romansa ang mananaig. Mapalad ang 1, 7, 20, 25, 34, at 43. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Gayatri-Gayatri-Om.” Bukod sa green ang red ay buenas.   
Aries – (Marso 21-April 19)  —    Ang pag-aalinlangan ay magdudulot ng kabiguan. Buuin ang loob at sumugod ng sumugod. Sa ganyang paraan magtatagumpay ka. Sa pag-ibig pag ukulan ng dagdag na panahon ang kasuyong Leo. Mapalad ang 2, 7, 16, 25, 34, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Rama-Govardana-Om.” Green at red ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)  —   Sa taon ito, ‘wag intidihin ang mga taong hindi sayo nagpapahalaga. Mag-concentrate na lang sa mga gawaing may kaugnayan sa pagkakaperahan. Sa pag-ibig, may magic na mangyayari habang ikaw ay umiiwas, siya naman ang maghahabol. Mapalad ang 3, 16, 23, 27, 38 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Chaintaya-Yama-Om.” Red at lilac  ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21) —     Upang matupad ang mga pangarap mas mainam na isulat mo ito sa iyong tala-arawan. Sa ganyang paraan kusang magkakatotoo ang mga isinulat mo. Sa pag-ibig may isang masarap na romansang naghihintay sa darating na Pebrero. Mapalad ang 7, 11, 29, 34, 43 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Buddha-Bhagata-Govinda.” Green at violet ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)  —     Panahon na upang ikaw naman ang masunod. Sa pinansyal hindi ka dapat magpaimpluwensiya sa iba, sariling pagpapasya ang dapat na pairalin. Sa pag-ibig wag masyadong magpa-under sa minamahal. Mapalad ang 7, 11, 19, 23, 26, at 45. Mahiwaga mong mantra:  “Aum-Avayara-Om-Beeja.” Beige at black ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)—  May paglalakbay na iaalok ang isang kabigan Sagittarius. Sa 2014 ang paglayo sa sariling bayan ang magdadala ng pag-unlad. Sa pag-ibig, hayaang mangulila ang kasuyo upang sayong pagbabalik, mainit na  romansa ang kapalit. Mapalad ang 2, 11, 25, 34, 40- at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Agni-Agni-Aum.’ Green at yellow ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)—   Magbasa ng libro na may kaugnayan sa personality improvement. Sa pagbabasa, makakatuklas ka ng pormula na pagyaman. Sa pag-ibig, regaluhan ang kasuyo ng librong may temang love story upang siya ay kiligin. Mapalad ang 6, 9, 15, 27, 33, at 40. Mahiwga mong mantra: “Ketu-Rahu-Kawa-Om.” Red at blue ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) —    Hindi masamang tumulong, subalit kung lagi namang ikaw ang inaasahan, parang kinukunsinte mo ang mga tamad. Sa pag-ibig, ang kinabukasan ng mga anak ang higit na mas mahalaga.  Mapalad ang 7, 17, 25, 28, 46 at 49. Mahiwag among mantra: “Viola-Violae-Om.” Green at yellow ang buenas.
 Scorpio – (October 24 – November 21)   —    Umpisahan na ang pagpapakatino sa taong ito 2014 Habang nagpapakabuti, lalong darami ang salapi. Sa pag-ibig, wag lokohin ang kasuyong Aquarius, may magandang kapalarang kang makukuha sa kanya. Mapalad ang 5, 18, 32, 39, 41, at 46. Mahiwaga mong mantra: “Jai-Guru-Deva-Om.” Yellow at red ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) —  Ituloy ang mga dati ng nasimulan. Sa pag-ibig tuloy ang maligayang relasyon sa isang Aries. Sa pinansyal isang Aries din ang magpapayaman sayo. Mapalad ang 4, 9, 18, 34, 39 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Krisna-Nada-Vagisa-Om.” Pink at red at buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19) —   Sa pinansiyal, tama ang pagkukuripot kung pagyaman ang layunin. Sa pag-ibig aanhin mo ang salitang “pagmamahal” kung pareho naman kayong magugutom. Mapalad ang 5, 17, 26, 34, 43, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Babanam-Om-Kebalam.” Pink at green ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18) — Wala nang ibang panahon kundi ngayon upang magbago! Upang dumami ang salapi kumilos agad ng kumilos sa halip na mag-isip. Sa pag-ibig, walang “ideal love” kaya itigil na ang pagpapatansya ng isang walang katapusang relasyon. Mapalad ang 4, 18, 27, 34, 38 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Babanam-Kebalam.” Yellow at green ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)  — Sa taon ito, kailangang lumakas ang iyong loob. Sa pinansyal, kumilos ka ng kumilos hindi dapat mag-alinlangan. Sa pag-ibig, ganon din, kapag mahina ang loob walang kaligayahang makakamit.  Mapalad ang 3, 18, 27, 38, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Om-Agiel-Aum-Yophiel.” Pink at white ang buenas.

Read more...