Writer ng teleserye ni Marian bugbog-sarado sa mga Kapamilya
Tinarayan ang scriptwriter ng bagong soap ni Marian Something nang patalak itong mag-explain na hindi copycat ang bagong teleserye ng Siyete sa isang famous Italian film.
Binatikos ang mala-iskwater nitong litanya, “Mga hunghang lang yang panatiko ng kabila, kung anu-anong akala ang pinalalaganap. Hindi na kasi dumadaloy ang dugo sa mga utak.”
“Kayo naman Oras na pinapansin Niyo yan mas gusto Niya, ibig Sabihin pinag uusapan yung serye Niya. Publicity nga naman.”
“Nakakaawa naman yang si doctolero! docleng yata, di nya ba nakikita sa salamin na sya ang chararat!!! sisikat yan, ginagamit nya abs cbn para pag usapan sya. hay naku naman!”
“Yes…mga professional halos ang taga ABS kahit na pangit sinasabi against sa kanila never sila nagsalita ng masama sa kanilang kapwa..may BREEDING KUMBAGA!!!”
Those were the comments against the GMA scriptwriter na ang feeling yata ay superstar na siya. Tama ang huling nag-comment. Napansin nga naming mas may class at breeding ang nagpapatakbo ng Facebook fan pages ng Dos kaysa sa Siyete.
Ang karamihan sa fan pages ng Siyete ay bastos ang mga content, parang galing sa squatter ang admin kung manira ng mga artista.
Halatang binabayaran ang mga hitad para i-down ang mga sikat na artista ng Dos pero hindi naman sila nagwawagi dahil sadsad sa ratings palagi ang mga shows ng Kapuso artists.
Now let’s see kung talagang walang pinagkopyahan ang bagong soap opera ni Marianita sa GMA, tingnan natin kung nagsasabi nga ng totoo ag scriptwriter nito.
Sana nga lang, totoo ang claim nila na original ang concept ng bagong series ng tinagurian nilang Primetime Queen kuno dahil kapag napatunayan na copycat lang ang kuwento nito, nakakahiya sila!
( Photo credit to Google )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.