Bea sumeksi at mas naging sariwa dahil kay Zanjoe, nagpakaligaya sa London

Ang bagong project ni Bea Alonzo sa Dreamscape Entertainment ay ang Sana Bukas Pa Ang Kahapon kasama sina Albert Martinez at Paulo Avelino na love-interest niya.

Ka-join din si Ms. Susan Roces bilang kontrabida, kasam rin sina Iza Calzado, Michelle Vito, Anita Linda, Dina Bonnevie at Tonton Gutierrez na mapapanood na sa Abril 2014.

Ayon kay Bea nang i-offer sa kanya ang Sana Bukas Pa Ang Kahapon, “Very, very happy siyempre kinakabahan. Pero siyempre, kung walang kaba, hindi masaya ang life, di ba, kung lagi ka lang kalmado?”

Aminado ang aktres na kabado siya at hindi lang daw niya iyon ipinahahalata sa entertainment press during the presscon, “Sobra akong pressured. Hindi ako magiging ipokrita, pressured ako, kasi first time ko sila makakasama lahat.

“Halos lahat, si Tita Anita Linda lang at Tito Ton lang ang nakatrabaho ko na before. But siyempre, more than the pressure, mas ‘yung excitement yung nangingibabaw. Kasi not every day na nabibigyan ka ng pagkakataon to work with these people

“Alam mo ‘yun, na ikaw pa ‘yung halos anchor nu’ng show. So, as much as pressured ako, mas nangingibabaw yung excitement,” paluwanag ng dalaga.

Samantala, sobrang challenging daw ang papel ni Bea sa Sana Bukas Pa Ang Kahapon, “Alam niyo, hindi ko rin alam kung paano ipaliwanag, e. Kasi pag ipinaliwanag ko, sasabihin ko na sa inyo ang plot.

But siguro, mag-stick na lang tayo du’n.”Isa siyang istorya ng dalawang babae na meron pang susulpot na pangatlo na which is going to be played by me. Hindi sila magkakapatid, para ‘tong ano riddle.

Hulaan niyo, hindi sila magkakapatid, hindi sila magkakakilala, but somehow intertwined ‘yung destiny nila,” kuwento ng dalaga.

Samantala, maraming nakapansing sobrang blooming at fresh pa si Bea ng humarap sa presscon dahil daw nakapagpahinga siya kasama ang boyfriend niyang si Zanjoe Marudo sa London kung saan nagkita-kita sila nina Kris Aquino kasama ang dalawang anak na sina Josh at Bimby.

( Photo credit to Google )

Read more...