NAPATUNAYAN ni Kim Chiu na hinding-hindi siya iiwan ni Xian Lim sa mga panahong kailangan nito ng kakampi. Ipinagtanggol ng binata si Kim sa mga negatibong kuwento na naglalabasan ngayon dahil sa pagtataray ng aktres sa presscon ng ” Bride For Rent”.
Nitong weekend, nag-post pa nga si Xian ng isang video clip ni Kim habang sinasagot ang tanong tungkol sa tunay na estado ng relasyon nila na may caption na, “There is a BIG difference between ‘We don’t owe you any of our personal lives…’ against ‘We don’t owe you an explanation’ #goodvibeslangpopalagi.”
Kung matatandaan, maraming na-turn off kay Kim nang pabalang niyang sagutin ang tanong ng isang veteran columnist kung ano na ba ang totoong relasyon nila ni Xian.
Halos lahat ng reporter at writer na nasa presscon ay talagang nagulat sa paraan ng pagsagot ng aktres kaya naman puro kanegahan ang lumabas na balita patungkol sa kanya.
Sabi naman ni Xian, “misunderstood” lang daw ang kanyang ka-loveteam, “Kim knows I always have her back and it’s a matter of just explaining.
Sometimes naman po kasi or, in my case, most of the time, din naman nami-misunderstood po kami and ‘yun po there’s always a rainbow after a little rain.”
Ayon naman kay Kim, wala naman daw nangyaring walkout sa kanilang presscon tulad ng napabalita, “Wala naman pong nag-walkout and nag-sorry naman ako and siguro na-misinterpret lang.
Siguro may mga bagay na kapag inuulit ulit… ikaw kapag tinanong kita ng paulit ulit tapos ang sagot ko ulit ulit din. Magagalit ka kasi ulit ulit lang rin ‘yung sagot ko.”
( Photo credit to Google )