Mukhang interesting ang bagong pelikula ng nag-iisa nating Superstar na si Nora Aunor na may titulong “Dementia”. Isa raw itong horror-suspense na tumatalakay sa isang taong may sakit na dementia na siya ngang ginagampanan ni Mama Guy.
Balita namin, nag-start na ang shooting nito last week na idinidirek ng dating executive ng TV5 na si Perci Intalan para sa Studio 5 (ng TV5). Makaka-join ni Mama Guy dito ang sister ni Anne Curtis na si Jasmine Curtis Smith.
Para sa mga hindi pa nakakaalam ang sakit na dementia ay kunektado sa utak ng isang tao, this is a disease characterized by a severe impairment or loss of intellectual capacity and personality integration due to the loss of, or damage to, neurons in the brain. Kaloka, di ba?
At bukod dito, ang dementia daw ay may konek din sa Alzheimer’s disease. Kaya nga nasabi naming interesting ang movie dahil tiyak na marami tayong matutunan tungkol sa sakit na ito, at siyempre, tiyak na isang malaking challenge na naman ito sa ating Superstar.
Samantala, nakakabwisit ang mga pasiklab ng mga detractors ni Mama Guy na pilit humaharang sa paggawad sa kanya ng National Artist Award.
Huwag na kasing ilihis ang mga issue, maliwanag namang napupulitika na ang mahal nating Superstar kaya hindi pa rin maibigay sa kanya ang nasabing parangal.
Tigilan na ang pagkunek ng mga bagay-bagay sa mga nakaraan ni Mama Guy, kumbaga, past is past at kahit na ano pang black propaganda ang gawin nila laban sa magaling nating alagad ng sining, alam naman nating lahat na karapat-dapat talaga siya sa pinakamataas na parangal na ibinibigay ng pamahalaan para sa mga alagad ng sining.
( Photo credit to Google )