MARAMI ang nagtatanong kung ano na ang nangyari sa TV series na Sarah G Presents na pagbibidahan sana ni Sarah Geronimo.
Many are asking kung hindi na ba ito tuloy at kung tuluyan na itong tsinugi. Ang feeling kasi ng mga fans ni Sarah ay hindi napanindigan ng Dos ang announcement nila last year na merong TV series weekly si Sarah.
Todo announce pa nga sila, ‘di ba, as if it was one of the most-awaited events.Nag-taping na nga ng one episode si Sarah at leading man niya sa una niyang episode si Paulo Avelino.
Dahil dito, tila pinagmukhang tanga ng Dos si Sarah. Parang sinabik lang siya sa bago niyang drama series. Teka, why did ABS-CBN decided to shelve the drama series project?
Dahil ba hindi nila napi-feel na makakaya na ni Sarah na magdrama every week sa TV? Eh, kung gano’n, bakit ninyo siya binigyan ng offer na ganyan in the first place?
Sa pagkakaalam namin, ang nakalinya lang na show ni Sarah sa Dos ay ang season two ng The Voice of the Philippines after nga niyang pumirma ng bagong kontrata.
( Photo credit to Google )