Mga balasubas na artista dapat mag-seminar kay Robin


Ang pagiging ma-PR ni Robin Padilla ay dapat matutunan ng maraming artista. Hindi kasi ‘yun puwedeng sabihing kaplastikan, hindi namimili ng panahon ang pagiging magiliw ni Binoe sa ating mga kababayan.

Kuwento ng aming kaibigang balikbayan, “Nakasabay namin sila ni Mariel (Rodriguez) sa flight, natural, gusto naming magpa-picture sa kanila, di ba?

Pero sabi ko sa mga kasama ko, e, maghihintay muna kami ng magandang timing, baka kasi ayaw nila, baka makaistorbo kami sa kanila.

“Pero nu’ng mag-CR siya, hindi na nakapagpigil ang isang kasama ko, nilapitan niya si Robin, nag-request kung puwede siyang magpa-picture with him. Mabilis na mabilis ang sabi ni Robin, ‘Aba, e, opo!’

“‘Yun na! Pinagkaguluhan na siya, pati ang mga stewardess, nagpa-picture na rin na kasama si Robin. Napakabait niya, saka hindi siya suplado.

Alam niya na bibihira lang mangyari ang ganu’ng opportunity, kaya pinagbibigyan niya ang mga may gustong magpa-picture na kasama siya,” papuri ng aming kaibigan kay Robin.

Kahit saan ay ganu’n talaga si Robin, wala siyang pinipiling tao, lahat ay pantay-pantay para sa kanya. Hindi minsan man nasangkot ang pangalan ng action star sa kuwento ng kasupladuhan, sa mga komento ng kayabangan, maganda ang PR ni Robin.

“Nu’ng minsan namang nakasalubong namin siya, e, mismong si Robin pa ang lumapit sa amin. At kilala niya kami sa pangalan, ha? Napaka-sincere ng taong ‘yun,” dagdag na kuwento naman ng isang kasamahan naming reporter.

Dapat kumuha ng seminar kay Robin Padilla ang mga personalidad na kapag nasa labas ay balot na balot ang buong katawan sa pagtatago.

Naka-shades na, naka-jacket pang may hoody, dahil baka raw sila makilala at pagkaguluhan ng mga kababayan natin.
“Isang araw, e, magsisisi rin ang mga walanghiyang ‘yun, kapag dumating na ang panahon ng pagkalaos nila, tingnan lang natin.

Ibilad man nila ang buong katawan nila, e, darating ang panahong wala nang pumapansin sa kanila!” naiinis pang komento ng aming kausap. Tumpak!

( Photo credit to Google )

Read more...