Bea kabado sa pagganap bilang ‘TRIPLETS’


TUWANG-TUWA ang mga fans ni Bea Alonzo sa bagong seryeng pagbibidahan nito sa ABS-CBN, ang Sana Bukas Pa Ang Kahapon kung saan makakatambal niya for the first time ang Kapamilya leading man na si Paulo Avelino.

Mahigit isang taon ding hindi napanood si Bea sa isang soap opera, huli siyang nagbida sa A Beautiful Affair with John Lloyd Cruz (January, 2013). Kaya naman magkahalong kaba at excitement daw ang nararamdaman niya.

“Back to work na, tapos na ang bakasyon. Very happy to do this project. Sana ma-absorb niyo excitement namin,” anang aktres sa press launch na ibinigay ng Dreamscape Entertainment para sa nasabing proyekto na mapapanood na sa first quarter ng 2014.

Inaasahan na ni Bea na mahihirapan siya sa seryeng ito dahil, “First time ko to portray na tatlong characters kaya nakakapagod talaga ‘yan. But looking forward ako sa mga bagong chellenges na ibibigay nila sa akin sa soap na ito.”

Makakasama rin sa baong seryeng ito sina Susan Roces, Anita Linda, Dina Bonnevie, Tonton Gutierrez, Albert Martinez at Iza Calzado.

Sabi naman ni Ms. Susan Roces, “Kakaiba ito sa lahat nang nagawa ko. New experience ito na istorya ng labanan ng dalawang angkan sa negosyo.”

( Photo credit to Google )

Read more...