Marami ang nagsasabi sa amin na baka anytime now ay biglang mag-announce ang dalawang bagets na sila na.
In fairness, halos lahat ng nanonood ng My Binondo Girl sa Primetime Bida ng ABS-CBN ay boto sa loveteam nina Kim at Xian, as in naetsapwera na talaga ang dalawa pang leading man ni Kim na sina Jolo Revilla at Matteo Guidicelli.
Aminado naman si Xian na talagang mas nagiging close sila ngayon ni Kim, mas nakikilala pa raw niya ang kanyang leading lady. In fact, mismong siya ang nagbuking sa sarili niya na grabe ang kaba niya kapag may mga intimate scenes sila ni Kim sa My Binondo Girl.
“Talagang pinagpawisan ako du’n sa eksenang ‘yun, hindi ko alam kung bakit,” say ni Xian na talaga raw namumula ang tenga kapag kinakabahan o nate-tense.
Aminado rin ang aktor na nami-miss niya si Kim kapag hindi sila magkasama sa taping, hinahanap-hanap daw niya ang dalaga, “May mga times na I’m used to seeing her ‘pag lilipat sa kabilang unit. I’m only human, ‘di ko pwedeng i-deny. ‘Nasaan kaya si Kim?’ Mas happy ako kapag magkasama kami.”
Knows n’yo ba na kahit walang okasyon ay binibigyan ni Xian si Kim ng regalo, ang last nga raw yata ay isang napakalaking teddy bear, “I overheard them talking she wanted a life-size teddy bear because mag-isa lang siya sa house and at times she gets lonely and she wants nga a teddy bear.”
Pero mas kinilig daw si Kim nang igawa siya ng kanta ni Xian entitled “Ako’y Sa ‘Yo Lang”, “Hindi naman big deal yun, It’s just more of my appreciation towards Kim. It’s more of me showing respect, me showing how much she’s worth, she’s worth everything.”
So, nagpaplano na ba siyang ligawan nang pormal si Kim, ang sagot ni Xian, “Mahirap magsalita ng tapos. Basta masaya kami ni Kim na magkasama, happy ako sa kung anuman meron kami ngayon.”