Lotlot, Pilita nagkainitan uli dahil kay Janine Gutierrez?

Until now ay hindi pa rin nagkakausap nang masinsinan ang dating magbiyenan na sina Lotlot de Leon at Pilita Corales. Ten years nang magkahiwalay sina Lotlot at anak ni Ms. Pilita na si Ramon Christopher, pero hanggang ngayon pala ay hindi pa maayos ang kanilang relasyon.

Kamakailan, sa isang awards ceremony, nakitang nag-uusap sina Ms. Pilita ang nanay ni Lotlot na si Sueprstar Nora Aunor, kaya marami ang nagsabi na okay na raw ang dalawa. Tinanong ng press si Balot about it sa presscon ng Glamorosa kung saan isa siya sa mga kontrabida

“Ano kaya ang pinagkuwentuhan nila, ‘no? Siguro, ‘Ang sama ng ugali ni Lotlot!'” natatawang sagot ni Lotlot.
“Hindi pa kami nagkakaroon ng chance na mag-usap. Kailan ko ba huling nakita si Mamita? Nagkita kami last year pa,” chika ng aktres.

So, handa na ba siya na makipag-ayos kay Ms. Pilita? “Hindi naman sa hindi ako ready. Siguro, nadala na ako. To be honest, nadala na ako. It doesn’t mean I don’t have respect for her. It doesn’t mean I don’t want to.

“Tapos na ‘yon e, matagal na. At saka 10 years na. I have been separated for 10 years already. Siguro kung darating man ‘yon, darating ‘yon. Kasi I have been separated with Monch for 10 years,” paliwanag ng aktres.

Kinumpirma rin ni Lotlot na regular na pumupunta sa bahay ni Ms. Pilita ang kanyang anak.

Pero gaano ba katotoo na nagkaroon uli ng tensiyon sa pagitan nila ng nanay ni Monching dahil sa pagpasok sa showbiz ng anak niyang si Janine Gutierrez? Ipinipilit daw kasi nito na siya ang mag-manage sa kanyang apo?

“When Mamita was pushing Janine to start in the industry, she was still in school. Nag-aaral pa siya nu’n. She just graduated kasi this March.

“So, nag-usap naman kasi talaga kami ni Monch na hindi siya papasok hangga’t hindi siya nakakatapos mag-aral. And when she graduated, my daughter approached me and she said, ‘Mama, I think I’m ready to try out.’

“Nag-usap kami ni Monch, sabi ko, ‘I think if there’s one person na mas okey na mag-manage sa kanya, that would be me.’ Kasi, at least, matututukan ko rin yung anak ko.

Kahit paano, medyo may alam din naman ako dito sa industriya,” pahayag ni Balot.
Wala rin daw siyang lovelife ngayon, pero happy siya dahil hindi siya nawawalan ng trabaho.

READ NEXT
Komikon 2011
Read more...