Bigas sapat hanggang Enero – Pres. Aquino

SINIGURO kahapon ni Pangulong Aquino na sapat n ang suplay ng bigas ngayong Pasko hanggang Enero sa kabila ng pinsala dulot ng mga bagyo.

“So ako naman po, inaasahan ko sa Enero, syempre kasama na ‘yong Pasko sa Disyembre talaga pong marami tayong bigas. Ang tinataya po’y may 100 days supply tayo, so 34,000 metric tons per day,” sabi ni Aquino sa kanyang mensahe sa 8th National Organic Agriculture Conference sa Hacienda Luisita, Tarlac City.

Kasabay nito, pinuri ni Aquino si Agriculture Secretary Proceso Alcala sa trabaho nito matapos umabot na lamang sa 600,000 metric tons ang kakulangan sa suplay ng bigas mula sa dating 1.3 milyong metric tons.

Idinagdag ni Aquino na ang magandang produksyon ng bigas ay dahil na rin sa pagkukumpuni ng mga sirang irigasyon at paggawa ng mga bagong irrigation system sa bansa.  -Bella Cariaso

Read more...