MAGKAKAROON na ng call center para sa mahigit tatlong milyong bingi.
Ito ay makaraang matapos ng 30 katao ang dalawang buwang Video Relay Service (Call Center) Training Program na naglalayong “pakinggan” ang mga bingi.
Nanawagan si Bagong Henerasyon Rep. Bernadette Herrera-Dy na magpasa ng batas para dumami ang call centers na para sa mga hearing and speech impaired persons.
“It is the right of individuals with vocal and audiological impairment to be heard. Being able to communicate and be understoodre human entitlements that must not be denied,” ani Herrera-Dy.
Sa isinagawang VRS program sa Makati City, pinag-aralan ang sign language at video relay computer program. Sa ilalim ng sistema, ang mga may kapansanan sa pagsasalita at pandinig ay makikita sa video ng call center agents. Sa pamamagitan ng sign language sila ay mag-uusap. Ang VRS ay kumakalat na sa US.
Ang VRS training program ay naisagawa sa tulong ni George Taylor, ang head ng Telecommunication Service Network for the Deaf.
Sinabi ni Herrera-Dy na ilulunsad din ang VRS system sa Quezon City kung saan siya dating konsehal.
Ayon kay Herrera-Dy, plano ni QC Vice Mayor Joy Belmonte na magtayo ng call center for hearing impaired persons sa city hall. —Leifbilly Begas