MAINIT ang isyu ng tigdas, kaya ito ang pag-usapan natin ngayon.
Ang Department of Health ay nababahala sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga naaapektuhan nito sa kasalukuyan.
Ang “outbreak” ay ang patuloy na pagkakaroon ng “identified cases” kahit isa lang sa isang linggo.
Ibig sabihin, hindi nawawala ang sakit sa bansa kung saan ang sakit na gaya ng tigdas o measles ay hindi na bumabalik o nakikita kapag gumaling na. Ang ibig sabihin nito ay ang patuloy na pagkalat ng measles.
Ang virus ay isa sa mga sanhi ng sakit tulad ng ibang mikrobyo (bacteria, fungi). Napakaliit (submicroscopic) ang viruses at hindi natin mahuhulaan kung kailan ito dadapo, at galing kanino ito.
Masasabi na ang isang tao ay apektado nito pag mataas ang lagnat, may ubo, sipon, mapula ang mga mata, at ang “diagnostic”, ang senyales na ito nga ay tigdas, ay ang “rashes” pagkatapos ng lagnat. Minsan ay makati ito at mayroon din “pathognomonic rash” sa bibig na ang tawag ay “koplik’s spots”.
Bago pa lagnatin, ang isang indibidwal na merong tigdas ay nahawaan na dalawang linggo na ang nakakaraan. Ang dalawang linggong ito ay ang tinatawag na “incubation period”.
Ilang araw bago at habang may rashes, ang may dala nito ay nakakahawa na .
Ang mga rashes ay nag-uumpisa sa likod ng mga tainga, ilang oras lang ay kakalat na ito sa ulo, leeg, hanggang sa buong katawan.
Karamihan ng apektado ay kabataan, kaya mahalaga ang “immunization”.
Ang sanggol ay dapat mabigyan ng anti-measles, sa ika-18 months nito, kasabay ng “mumps” at “rubella” (MMR vaccine).
Ang sunod na bakuna ay kapag ang bata ay 4-years old na. Ito pa rin ang pinaka-mabisa na paraan para maiwasan ang tigdas.
Ang Tigdas ay maaring gumaling ng kusa, huwag lang magka-kumplikasyon na siyang nakakatakot na pangyayari.
Maaring magkaroon ng Gastroenteritis, Corneal ulcers, ear infection at ang mas malala ay Pneumonia at Encephalitis.
Para sa lagnat, ginagamit ang Paracetamol lamang at ibang gamot kung merong kumplikasyon.
Ang pagkahawa ay maiiwasan sa pamamagitan ng pag-layo sa may-sakit, laging pagkakaroon ng kamalayan na nandyan lang ang tigdas sa paligid. Maigi rin na gumamit ng face mask dahil and pagkahawa ay nanggaling sa ubo at sipon ng may Measles na lumilipad sa hangin (Aerosol Transmission).
Syempre mahalaga din na ang immune system o resistensiya ng bata ay malakas. Bigyan ng sapat na pagkain, tubig, pahinga at alaga gaya ng “hygiene at sanitation”.
Inaaanyayahan ko kayong lahat na sumanib dito sa BARANGAY KALUSUGAN, ang ating magiging ugnayan tungo sa pagpapaunlad n gating kalusugan. Sundan sa Facebook at Twitter: barangay.kalusugan@yahoo.com. Isulat ang inyong mga tanong, karanasan at paniniwala tungkol sa kalusugan, at ibahagi pati na rin ang inyong mga gawain at pamumuhay (LIFESTYLE) na naghahatid ng magandang resulta sa inyong kalusu-gan para sa kaalaman ng lahat.