‘Bagay na bagay sina Kim at Xian, pareho silang bastos!’

XIAN LIM AT KIM CHIU

HINDI na kami na-shock sa ginawang pagtataray daw ni Kim Chiu sa veteran writer na si Manay Aster Amoyo during the presscon of “Bride For Rent”, ang pelikula nila ng wala ring kasing-bastos na si Xian Lim.

I’m sure alam niyo na naman ang isyung ito – even her quotes na medyo may katarayan ang dating ay memorized niyo na naman siguro – yung “I don’t owe you any of our pesonal lives” ek-ek. Sabi nga nila, natalbugan na ni Kim ang “I can buy you, your friends and this club!” ni Anne Curtis. Kasi nga, members of the entertainment media ang pinagsabihan ni Kim kaya nagmukha siyang pinakamatapang amongst all the stars.

Kahit patpatin lang itong si Kim Chiu ay hindi pala talaga dapat i-underestimate ng kasit sino. Ha-hahaha! She has that strong character din pala within her. Kungsabagay, hindi na kami nanibago sa balitang ito dahil may nakausap kami kamakailan na insider ng isang movie production.

Sa set daw iyon ng isang dating pelikulang ginawa niya, hindi ko lang batid kung si Gerald Anderson pa ang partner niya that time o si Xian Lim na. Nasa location sila daw sila that time and itong si Kim ay nameyk-apan na na for the take. Merong isang lumapit sa kaniyang fan para humalik. After siyang mahalikan ng fan, tinawag daw niya ang make-up artist at sinabing, “Make-up-an mo nga ulit ako dito (tinuturo yung area na hinalikan ng fan). Hinalikan kasi ito ng taga-squatter!”

Nagulat kami sa kuwento. Masakit iyon, ha! Kahit hindi kami ang sinabihan noon, mas lalong masakit dahil isang pobreng fan na ang tanging kasalanan lang naman ay ang idolohin siya ang nabastos kahit hindi man harapan niyang sinabi ito sa kaniya. Ganoon pala si Kim. This is the worst that anyone could get for being a fan. Kahit sabihin niyang biro lang ‘yun, in bad taste pa rin iyon.

What kind of creatures ba itong sina Kim and Xian? Ako rin ay meron super-bad experience sa lalamya-lamyang Xian Lim na ito. Hindi ba’t nabastos din ako nito when I and my “Mismo” partner sa DZMM Papa Ahwel Paz interviewed this bitchy male during the benefit concert ng Star Magic sa Smart Araneta Coliseum for the Yolanda victims?

Nang tanungin ko si Xian habang naka-live feed kami via Skype sa radio show namin ng, “Hindi ba kayo magsasama ni Kim tonight?” na sundot lang sa pagsasabi niyang silang mga leading men lang ang nag-perform ng isang number sa early part of the concert. Mantakin mong sagutin ba naman ako ng, “Ano ba namang klaseng tanong iyan?” sabay talikod sa camera namin.

Nanggigil talaga ako that night, gusto ko siyang suntukin. pasalamat siya at wala ako du’n, si Papa Ahwel kasi ang nasa Araneta that night while I was at DZMM studio. Pero talagang nagpahayag ako ng pagkainis. Hindi ko ma-imagine that night na mabastos ng isang babading-bading na male starlet. Yes, nag-sorry siya sa akin via text pero hindi direktang pinadala ni Xian ito sa akin, through her handler lang na si Gidget – isang forwarded message kumbaga.

Kaya sa tingin niyo ba ay na-forgive ko na siya nang buo, of course not! Can you feel one’s sincerity through text? Hindi ako ulol para paniwalaing talagang galing sa puso niya ang panghingi ng sorry na iyon. It’s just for a show for sure, para makaiwas lang siya sa galit ko. Akala niya ay tapos na kami. Hmp!

Kaya ko nasabing “they deserve each other” kasi nga pareho ang tabas ng dila ng dalawang bagets na ito. Kung makapag-project sila sa public akala mo ang babait, pero huwag ka’t masyadong matatabil ang mga dila. Sobrang matataray. Mabuti nga at nakahanap itong Kim Chiu ng katapat ngayon – at dapat matuto na sila sa mga kanegahan nila. Kasi pag hindi, they will really get bad press till the end of time.

Kung ayaw nilang mapag-usapan ang mga personal nilang buhay, they should quit! Layasan na nila ang showbiz na nagbibigay sa kanila ng marangyang buhay. Imagine, mga simpleng tanong lang pabalang kung sagutin.

Huwag nga silang parang ano at parang kung sino. Kung ang mga big stars nga like Nora Aunor, Vilma Santos, Sharon Cuneta, ay marunong gumalang ng mga taga-media – sila pa kayang mga wala pang napapatunayan.
Itong mga flash in the pans na ito, oo. Akala mo kung sino! Kakaloka!

Read more...