Lindsay Lohan nanakawan ng laptop, mga hubo’t hubad na litrato ikakalat sa internet

LINDSAY LOHAN

SURE kaming kilalang-kilala n’yo pa rin ang kontrobersiyal at pasaway na Hollywood actress na si Lindsay Lohan. Alam n’yo ba na nawala (o ninakaw) ang kanyang laptop? At ang balita, takot na takot ngayon ang aktres dahil naka-save raw doon ang napakaraming hubo’t hubad na larawan niya.

Dahil dito, handang magbigay ng pabuya si Lindsay Lohan sa sinumang makakakuha at makapagbabalik sa kanya ng nasabing laptop.

Sabi sa ulat, may nagnakaw sa computer ng aktres habang siya’y nasa airport sa China noong Martes. At ang una raw naisip ni Lindsay matapos ang insidente ay ang kanyang mga nude pictures na naka-save sa laptop.

Bukod dito, nandu’n din daw ang ilang mahahalagang file na may kinalaman sa ilang kilalang personality sa Hollywood, tulad nina Woody Allen at Lady Gaga, kaya gagawin daw ni Lindsay ang lahat para mabawi ang laptop.

Hindi lang kami sure kung meron ding mga sex video si Lindsay na naka-save sa nasabing computer.

Read more...